Carmina at Zoren, nagli-live in na?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Carmina Villaroel sa panganganak niya. Tahimik lang siyang dumating ng bansa kasama ang kanyang kambal courtesy of Zoren Legaspi.

Ayon sa mga nakakita sa kambal, napakagaganda raw ng mga ito. Wala raw pinagsisihan si Carmina sa mga nangyari. Sa katunayan, lalo pa siyang inspirado sa kanyang trabaho at excited umuwi ng bahay dahil sa kanyang dalawang anghel.

Maayos naman daw ang pag-uusap nila ng dating asawang si Rustom Padilla bago pa man siya bumalik sa bansa.

Samantala, lumipat na sa Valle Verde si Carmina kasama ang kambal niya. Ayon sa mga neighbors niya, malimit do’ng makita si Zoren kaya may palagay silang magka-live in ang dalawa. (Ulat ni Lanie Sapitanan)

Show comments