Parang isang debutante si Natalia o di kaya naman ay isang bride sa ginawa niyang pagpunta sa mga mesa para makipag-usap at nang lumaon ay naging isang walang katapusang photo session at autograph signing ang naganap.
Hindi naging problema ang kakapusan niya ng pang-unawa sa salitang Ingles sapagkat palaging nasa tabi niya ang kanyang interpreter na siyang tulay para maunawaan niya ang mga sinasabi sa kanya at ang mga gusto niyang sabihin sa kanila.
Maganda si Natalia. Talagang mahuhulog ang loob mo sa kanyang natural at sinserong pakikitungo sa lahat.
Palagi pang nakangiti.
Ewan ko lamang kung sa bilis ng kanyang stay dito ay may Pilipino na masungkit ang kanyang puso.
Nandun sa set ang lahat ng naging bahagi ng show, simula kina Vic Sotto at Rosanna Roces, ang buong production staff, at maging ang naging bahagi ng palabas na sina Charlene Gonzales, Nanette Inventor at Lorna Tolentino.
Kahit na obvious na malungkot ang lahat, napalitan ito ng kasiyahan na hatid ng eksena which is a wedding between Vic and Osang.
Lahat naman ng bagay, gaano man kaganda, ay laging may wakas. Nagtagal naman sa ere ang palabas at nagawang mapasaya ang maraming manonood. Ganito rin ang humigit kumulang ay expectation ng marami sa bagong show na papalit dito which will be topbilled by Vic and some bagets including his daughter, Danica.
I am specially proud of Sunshine dahil sa programa ko na siya nagsimula’t nagdalaga. Malayo na rin ang kanyang nararating bilang artista. May dahilan talaga para siya magdiwang.
Ngayon ko lamang naalala na napaka-rami palang magulang na ipinagkatiwala ang kanilang mga anak sa aking pangangalaga. Proud naman ako sa katulad ni Sunshine ay naging maganda ang kanilang buhay, mapa-showbiz man o hindi. Pangarap ko lang na muling maipagpatuloy ang aking pagnanais na makatuklas pa ng mga bagong artista na magagamit sa ating pelikula, TV, stage, recording at theater.