Natural si Natalia
July 8, 2001 | 12:00am
Na-late ako ng bahagya sa dinner na ibinigay ng GMA para sa Latin American actress na si Natalia Oreiro sa Philippine Plaza. Naririto ang popular na artista ng mga telenovela sapagkat mayro’n siyang telenovela na nakatakdang mapanood sa GMA, ang Monica Brava, na magsisimula nang pagpapalabas bukas, Lunes, 8:00 ng gabi sa GMA 7.
Parang isang debutante si Natalia o di kaya naman ay isang bride sa ginawa niyang pagpunta sa mga mesa para makipag-usap at nang lumaon ay naging isang walang katapusang photo session at autograph signing ang naganap.
Hindi naging problema ang kakapusan niya ng pang-unawa sa salitang Ingles sapagkat palaging nasa tabi niya ang kanyang interpreter na siyang tulay para maunawaan niya ang mga sinasabi sa kanya at ang mga gusto niyang sabihin sa kanila.
Maganda si Natalia. Talagang mahuhulog ang loob mo sa kanyang natural at sinserong pakikitungo sa lahat.
Palagi pang nakangiti.
Ewan ko lamang kung sa bilis ng kanyang stay dito ay may Pilipino na masungkit ang kanyang puso.
Masayang malungkot yung farewell episode ng programang 1 FOR 3.
Nandun sa set ang lahat ng naging bahagi ng show, simula kina Vic Sotto at Rosanna Roces, ang buong production staff, at maging ang naging bahagi ng palabas na sina Charlene Gonzales, Nanette Inventor at Lorna Tolentino.
Kahit na obvious na malungkot ang lahat, napalitan ito ng kasiyahan na hatid ng eksena which is a wedding between Vic and Osang.
Lahat naman ng bagay, gaano man kaganda, ay laging may wakas. Nagtagal naman sa ere ang palabas at nagawang mapasaya ang maraming manonood. Ganito rin ang humigit kumulang ay expectation ng marami sa bagong show na papalit dito which will be topbilled by Vic and some bagets including his daughter, Danica.
May isang fan si Billy Crawford na nagbigay sa akin ng isang kopya ng kanyang pinaka-latest album. Request ng fan na patugtugin ko ito sa aking radio program pero nang magtanong ako, napag-alaman ko na wala pa palang go-signal ang record producer nito sa namamahagi ng kanilang mga records dito sa bansa. Ipinakiusap din sa akin ng mom ni Billy na si Mayette na titimbrihan nila ako once na ma-approve ang local airplay nito. Hindi naman ako nagmamadali sapagkat gusto kong personal na i-promote ito ni Billy dito sa atin. At kung sakali tuwing bakasyon lamang naman niya ito nagagawa.
Napaka-simple pero magarbo rin ang naging debut ni Sunshine Dizon na ginanap sa Edsa Shangrila. Napakaganda niya sa kanyang dilaw na dilaw na gown na ginawa sa kanya ng Sabella. Request pala ni Sunshine na magkaroon na lamang ng simpleng celebration pero tama ang kanyang ina sa pagsasabi na she owes it to herself na magkaroon ng isang memorable 18th birthday with only some of her friends from in and out of showbiz in attendance. Wala ang kanyang father pero kumpleto ang pamilya niya, from her mom, lola, sister and brother.
I am specially proud of Sunshine dahil sa programa ko na siya nagsimula’t nagdalaga. Malayo na rin ang kanyang nararating bilang artista. May dahilan talaga para siya magdiwang.
Ngayon ko lamang naalala na napaka-rami palang magulang na ipinagkatiwala ang kanilang mga anak sa aking pangangalaga. Proud naman ako sa katulad ni Sunshine ay naging maganda ang kanilang buhay, mapa-showbiz man o hindi. Pangarap ko lang na muling maipagpatuloy ang aking pagnanais na makatuklas pa ng mga bagong artista na magagamit sa ating pelikula, TV, stage, recording at theater.
Parang isang debutante si Natalia o di kaya naman ay isang bride sa ginawa niyang pagpunta sa mga mesa para makipag-usap at nang lumaon ay naging isang walang katapusang photo session at autograph signing ang naganap.
Hindi naging problema ang kakapusan niya ng pang-unawa sa salitang Ingles sapagkat palaging nasa tabi niya ang kanyang interpreter na siyang tulay para maunawaan niya ang mga sinasabi sa kanya at ang mga gusto niyang sabihin sa kanila.
Maganda si Natalia. Talagang mahuhulog ang loob mo sa kanyang natural at sinserong pakikitungo sa lahat.
Palagi pang nakangiti.
Ewan ko lamang kung sa bilis ng kanyang stay dito ay may Pilipino na masungkit ang kanyang puso.
Nandun sa set ang lahat ng naging bahagi ng show, simula kina Vic Sotto at Rosanna Roces, ang buong production staff, at maging ang naging bahagi ng palabas na sina Charlene Gonzales, Nanette Inventor at Lorna Tolentino.
Kahit na obvious na malungkot ang lahat, napalitan ito ng kasiyahan na hatid ng eksena which is a wedding between Vic and Osang.
Lahat naman ng bagay, gaano man kaganda, ay laging may wakas. Nagtagal naman sa ere ang palabas at nagawang mapasaya ang maraming manonood. Ganito rin ang humigit kumulang ay expectation ng marami sa bagong show na papalit dito which will be topbilled by Vic and some bagets including his daughter, Danica.
I am specially proud of Sunshine dahil sa programa ko na siya nagsimula’t nagdalaga. Malayo na rin ang kanyang nararating bilang artista. May dahilan talaga para siya magdiwang.
Ngayon ko lamang naalala na napaka-rami palang magulang na ipinagkatiwala ang kanilang mga anak sa aking pangangalaga. Proud naman ako sa katulad ni Sunshine ay naging maganda ang kanilang buhay, mapa-showbiz man o hindi. Pangarap ko lang na muling maipagpatuloy ang aking pagnanais na makatuklas pa ng mga bagong artista na magagamit sa ating pelikula, TV, stage, recording at theater.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended