Video pirates, bawal sa Navotas
July 6, 2001 | 12:00am
Kapuri-puri ang ginagawang suporta ni Navotas Mayor Toby Tiangco sa industriya ng pelikula. Sa kanyang bayan, hinding-hindi papapasukin ang mga video pirates! Katunayan, iminungkahi niya ang pagsasanib ng pulisya at Videogram Regulatory Board (VRB) sa kampanya laban sa pagbebenta ng mga pirated compact discs (CDs) at video compact discs (VCDs). Ipinag-utos niya sa kanyang mga tauhan na makipagtulungan sa VRB para mahinto ang pagbebenta ng mga pekeng CD at VCD na ibinibenta sa kalahati ng halaga ng mga orihinal. Nanawagan din siya sa iba pang mga punong lungsod sa Metro Manila na tumulong sa pagsawata sa mga pirata.
"Malaki ang nalulugi sa industriya ng pelikula at recording at hindi ito makatutulong sa paglago ng ekonomiya. Salot ito kaya kailangan talagang mahinto," aniya pa.
Samantala ipinasara rin ng Mayor ang mga ilegal na video karera sa kanyang bayan at ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpapatakbo nito. Sa unti-unting pagkamatay ng entertainment industry, lalo na ang pelikula at recording, nag-iisa yata si Mayor Toby na tumutulong para maisalba ang industriya at kung ang iba pang MM mayors ay tutulad sa kanya at hindi rin papayagan ang sale ng mga pirated CDs at VCDs, muling babalik sa kanilang pinanggalingan ang mga pirates na bigo.
Itinanggi ni Melissa Mendez na nag-bold siya sa Paninda ng World Arts Cinema na maglulunsad kay Pyar Mirasol sa stardom.
"Kung ginawa ko ito noon pa pero, natakot ako na baka magkaroon ng hindi magandang epekto sa mga kapatid ko.
"Seksi lang ang role ko sa Paninda bilang madrasta ni Pyar. Ako ang nagbubugaw, ang actually nagtitinda sa kanya sa mga lalaki.
Syempre, hindi naman ako ang biological mother niya kaya medyo may competition kaming dalawa sa movie," dagdag pa niya.
Happy na si Melissa na kinikilala naman ang galing niya bilang aktres.
"Ito lang ay sapat nang kabayaran sa aking pagpupunyagi," dagdag pa niya.
Mukhang nagkakasunud-sunod ang pagdating sa ating bansa ng mga popular na foreign rock bands. Ngayong gabi pa lamang magtatanghal ang 98 Degrees pero, eto at panay na ang balita sa nakatakdang pagdating sa bansa ng grupong Scorpions.
Mga Aleman ang myembro ng grupo na may apat na dekada nang namamayagpag. Sila ang nagpasikat ng mga awiting "Winds of Change" at "Still Loving You". Magtatanghal sila sa Araneta Coliseum sa Agosto 1. Sila rin ang kauna-unahang banda na nagtanghal sa USSR nang lumabas ito sa 10-sold out concerts sa Leningrad nung 1988.
Sa pagpasok ng milenyo, lumikha ang grupo ng isang crossover project sa pakikipagtulungan ng kilalang classical orchestra na Berlin Philharmonic na humantong sa paglalabas ng isang album na "Moment of Glory" na siyang naging official anthem ng Hanover Expo.
Ngayong taon, naglabas sila ng "Acoustica" album na siyang ipo-promote nila sa kanilang Scorpions Acoustica Live in Manila sa pakikiisa ng Warner Music Philippines sa tulong ng MTV Asia, Manila Galleria Suites at istasyong Love Radio 90.7, Yes FM 101.1, Star FM 102.7, The Hive 100.3 at NU 107.
"Malaki ang nalulugi sa industriya ng pelikula at recording at hindi ito makatutulong sa paglago ng ekonomiya. Salot ito kaya kailangan talagang mahinto," aniya pa.
Samantala ipinasara rin ng Mayor ang mga ilegal na video karera sa kanyang bayan at ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpapatakbo nito. Sa unti-unting pagkamatay ng entertainment industry, lalo na ang pelikula at recording, nag-iisa yata si Mayor Toby na tumutulong para maisalba ang industriya at kung ang iba pang MM mayors ay tutulad sa kanya at hindi rin papayagan ang sale ng mga pirated CDs at VCDs, muling babalik sa kanilang pinanggalingan ang mga pirates na bigo.
"Kung ginawa ko ito noon pa pero, natakot ako na baka magkaroon ng hindi magandang epekto sa mga kapatid ko.
"Seksi lang ang role ko sa Paninda bilang madrasta ni Pyar. Ako ang nagbubugaw, ang actually nagtitinda sa kanya sa mga lalaki.
Syempre, hindi naman ako ang biological mother niya kaya medyo may competition kaming dalawa sa movie," dagdag pa niya.
Happy na si Melissa na kinikilala naman ang galing niya bilang aktres.
"Ito lang ay sapat nang kabayaran sa aking pagpupunyagi," dagdag pa niya.
Mga Aleman ang myembro ng grupo na may apat na dekada nang namamayagpag. Sila ang nagpasikat ng mga awiting "Winds of Change" at "Still Loving You". Magtatanghal sila sa Araneta Coliseum sa Agosto 1. Sila rin ang kauna-unahang banda na nagtanghal sa USSR nang lumabas ito sa 10-sold out concerts sa Leningrad nung 1988.
Sa pagpasok ng milenyo, lumikha ang grupo ng isang crossover project sa pakikipagtulungan ng kilalang classical orchestra na Berlin Philharmonic na humantong sa paglalabas ng isang album na "Moment of Glory" na siyang naging official anthem ng Hanover Expo.
Ngayong taon, naglabas sila ng "Acoustica" album na siyang ipo-promote nila sa kanilang Scorpions Acoustica Live in Manila sa pakikiisa ng Warner Music Philippines sa tulong ng MTV Asia, Manila Galleria Suites at istasyong Love Radio 90.7, Yes FM 101.1, Star FM 102.7, The Hive 100.3 at NU 107.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am