Dating "gay beauty queen," pastor na
July 5, 2001 | 12:00am
Isang Multi-awarded hairdresser si Rudy Cantuba. Naging hair stylist siya ng mga sikat na artistang gaya nila Vilma Santos, Snooky Serna at Maricel Laxa. Maging ang movie producer na si Lily Monteverde ay napagsilbihan niya bilang personal hairdresser nito.
Sa panahon naman ng kanyang kabataan, nanalo siya bilang "Miss Young International" sa isang gay contest. Ang naging mapait niyang karanasan ay nang mamolestiya siya noong walong taong gulang. Ang pangyayaring iyon ang nagtulak sa kanya upang tahakin ang landas ng kabaklaan at kamunduhan.
"Natuto ako ng malaswang gawain, hindi ako nakuntento sa isa, dalawa o tatlong boyfriend, masalimuot ang buhay ko," sabi ni Rudy. Ayon pa rin sa kanya, ang pagiging bakla ang naging dahilan upang matuto siyang mag-drugs, maging lasenggo at dalawang ulit din niyang tinangkang magpakamatay. "Iniisip ko, siguro kung mag-aasawa ako, titino ako."
Ngunit hindi iyon nakapagpabago kay Rudy. Kahit nag-asawa na siya at biniyayaan ng apat na anak, hindi niya nagawang pigilan ang dati niyang gawain bilang bakla.
"We had an agreement. Monday, Wednesday, and Friday – I would spend with her and the kids. Tuesday–I would spend with my boyfriends. It came to a point when my wife was so desperate, she wanted to kill the kids by smothering them with a pillow. She felt so sorry for them," kuwento ni Rudy.
Taong 1985, dahilan sa matinding pag-inom ng alak at sa paggamit ng drugs, nagkasakit sa puso si Rudy na halos ikamatay niya. Kasabay ng kanyang pagkakasakit nakapanood siya sa telebisyon ng Jesus is Lord (JIL) prayer at worship rally. Inakala niya na marahil iyon din ang kanyang kailangan. Dala na rin ng kawalang pag-asa, nagtungo si Rudy sa sumunod na JIL rally.
"Iniisip ko na wala na akong pag-asa sa sobrang dami kong kasalanan. I found myself crying through the whole thing. Magkahalong luha ng pagsisisi sa sinalaula kong buhay, at galak in the presence of God," ayon kay Rudy.
Nang tumawag ng altar call para sa mga tao si JIL Pastor Eddie Villanueva, unang-una si Rudy sa mga tumakbo sa harapan upang tanggapin si Hesus sa kanyang puso bilang Panginoon at Tagapagligtas.
"Then Brother Eddie laid his hands on my head. Ang feeling ko walang kasing payapa at gaan... walang kasing saya. My heart condition was instantly healed by Christ and I was transformed. I stopped taking drugs and alcohol and started to hate yung mga dati kong ginagawa – gay bars, sex with men, barkada. I forgave the people I hated since childhood. I learned to really love my wife and children," pagbabahagi ni Rudy.
Pagkalipas ng isang buwan, nagpunta rin sa JIL rally ang kanyang asawa kung saan siya man ay nakaramdam ng nag-uumapaw na pag-ibig ni Hesus. Napawi lahat ang kanyang galit at sama ng loob sa kanyang asawa at napalitan iyon ng pag-ibig para kay Rudy.
Sa ngayon, patuloy pa rin siya sa kanyang pagiging isang magaling na hairdresser at make-up artist kung saan pinamamahalaan niya ang kanyang sariling negosyo, "His and Hair Salon," na matatagpuan sa Roces Avenue. Kung may mga pagkakataon, ipinapanalangin din niya ang kanilang mga kustomer dahil para sa kanya iyon ay "bringing" out their beauty from the inside."
At bilang full-time pastor ng Lord of Jesus the Living God sa Antipolo at Quezon City, patuloy niyang ibinabahagi ang mga pagbabagong nangyari sa kanyang buhay. Dahilan sa kanyang tinanggap na kalayaan, kapayapaan at pagbabago mas higit ang kanyang pagnanais na matanggap din ng iba ang kanyang nararanasang buhay sa ngayon sa piling ng Diyos.
Ibinabahagi ni Rudy Cantuba ang kanyang buhay patotoo sa The Club, isang Christian program na mapapanood tuwing hatinggabi ng Miyerkules sa GMA 7, at iniri-replay tuwing Linggo, 7:30 ng umaga sa nasabing istasyon din.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am