Natalia, Latinang aktres darating sa Pilipinas!

Si Natalia ang babaeng kinababaliwan sa South America, Greece, Israel, Slovenia Romania at ng buong Latin community sa Amerika ay makikita na nang personal ng mga Pinoy bukas, ika-5 ng Hulyo.

Hindi biro ang kasikatan ni Natalia, sa katunayan, nang ipalabas ang kanyang pelikula kasabay ng super-sikat na Titanic sa Buenos Aires, tinalo pa nito sa takilya ang nasabing pelikula ni Leonardo DiCaprio.

At hindi lang sikat na aktres ang seksing si Natalia: multi-platinum singer din ito. Humahataw ang kanyang mga kanta sa mga hit-charts sa mga bansa kung saan na-release na ito. Ang dahilan ng kanyang kasikatan sa iba’t-ibang bansa ay ang Monica Brava (kilala rin bilang Mañueca Brava at Milagros), ang telenobelang kinababaliwan ng napakaraming mga manonood.

Malapit nang ipalabas ng GMA Network ang nasabing telenobela. Samantala, makuntento muna tayo sa kanyang pagdalaw sa Maynila kung saan makikita ng madla kung bakit tunay ngang kaakit-akit si Natalia!

Show comments