Mikee, buntis na naman!
July 4, 2001 | 12:00am
May kasunod na ang panganay na anak nina Dudut Jaworski at Mikee Cojuangco dahil buntis na naman ang aktres.
Tatlong buwan na ang dinadala nito sa sinapupunan. Isang taon na ang kanilang anak na si Robbie. Balak ng mag-asawa na mag-family planning after the second baby.
Kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sa Amerika si Mikee kasama ang buong pamilya.
Nami-miss na rin ng aktres ang pagharap sa kamera lalo na sa TV.
Marami namang offer noon bago siya mabuntis kaya lang hindi niya type ang mga proyekto. Kung si Mikee ang masusunod ay mas gugustuhin niyang lumabas sa sitcom.
Baka magbalik-showbis ang aktres sakaling malaki-laki na ang second baby nilani Dudut.
Matagal kaming nagkakwentuhan ni Jojo Galang na siyang may-ari ng World Arts Cinema. Ayon sa kanya ay hindi siya titigil sa pagpoprodyus ng mga pelikula kahit sabihing may slump sa movie industry. "Basta’t maganda ang istorya at de-kalidad ang isang proyekto ay puwede tayong makipagsabayan sa mga pelikulang Ingles. Magagaling naman ang ating mga direktor," aniya.
Ayos naman ang kita sa takilya ng mga pelikulang nagawa na nila maliban sa Sa Iyong mga Haplos dahil malaki ang kanilang puhunan at sa Baguio pa ito kinunan. Break even lang ito di gaya ng Saranggani na maganda ang naging resulta sa takilya.
Pangarap ni Jojo na makapagpalabas ng isang pelikula na tumatalakay sa patriotism o yong magpapakita ng mga moral values tungkol sa buhay ng Pilipino. "Dream kong maging artista namin si Lorna Tolentino dahil magaling siya. Plano ko rin na makuha ang serbisyo ng magagaling na premyadong mga direktor," dagdag pa niya.
Hindi na bagito sa showbis ang maganda at seksing baguhang aktres na si Rona Reyes. Katunayan ay nanalo siya sa Mutya ng Pilipinas noong 1999 bilang second runner-up.
Nakita siya ng isang talent coordinator sa TV sa isang party at ipinakilala kay Jojo Galang ng World Arts Cinema at ipinakilala sa pelikulang Sa Iyong Mga Haplos.
Graduating si Rona sa Centro Escolar University ngayong Marso sa kursong BSBA major in Marketing. Payag naman siya sa mga sexy scenes pero hindi yong breast exposure o bold scenes.
Bata pa ay mahilig na siyang umarte at sumali sa mga beauty contest. Miyembro rin siya ng teatro kaya maaasahan din sa pag-arte.
Noong 1999 ay nanalo siyang Lakambini ng Marikina at muling hinikayat na sumali sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant noong nakaraang taon pero tinamad na siya at nag-concentrate na lang sa pag-aartista.
Pangarap niyang makatambal sina Eddie Garcia at Aga Muhlach sakaling sumikat balang araw. Kasama siya sa Paninda bilang katulong pero hindi basta-basta katulong. "Hindi naman porke maganda ang isang tao ay hindi na pwedeng maging katulong. May kaya naman sa buhay ang iba kaya lang may sariling dahilan kung bakit pinapasok ang ganitong uri ng trabaho. Maganda naman ang role ko sa movie," aniya.
Ipinakilala rin sa amin ng World Arts Cinema produ ang baguhang aktor na si Joseph Baltazar na alaga ng kapatid sa hanapbuhay na si Rey Pumaloy.
Nagsimula siya bilang ramp model hanggang naging finalists sa Ginoong Pilipinas noong 1997. Ipinakilala rin siya sa pelikulang Sa Iyong Mga Haplos at kasama rin ngayon sa Paninda.
Payag ka bang magpaka-daring sa pelikula? "Okey lang sa akin na maghubad basta’t walang frontal nudity.
Depende rin ito sa pelikula at direktor. Kung matindi ang proyekto, why not?" sey ni Joseph.
Tapos din ang aktor ng Marine Engineering.
Plano niyang kumuha ng acting workshop para lalo pang mahasa sa pag-arte.
Tatlong buwan na ang dinadala nito sa sinapupunan. Isang taon na ang kanilang anak na si Robbie. Balak ng mag-asawa na mag-family planning after the second baby.
Kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sa Amerika si Mikee kasama ang buong pamilya.
Nami-miss na rin ng aktres ang pagharap sa kamera lalo na sa TV.
Marami namang offer noon bago siya mabuntis kaya lang hindi niya type ang mga proyekto. Kung si Mikee ang masusunod ay mas gugustuhin niyang lumabas sa sitcom.
Baka magbalik-showbis ang aktres sakaling malaki-laki na ang second baby nilani Dudut.
Ayos naman ang kita sa takilya ng mga pelikulang nagawa na nila maliban sa Sa Iyong mga Haplos dahil malaki ang kanilang puhunan at sa Baguio pa ito kinunan. Break even lang ito di gaya ng Saranggani na maganda ang naging resulta sa takilya.
Pangarap ni Jojo na makapagpalabas ng isang pelikula na tumatalakay sa patriotism o yong magpapakita ng mga moral values tungkol sa buhay ng Pilipino. "Dream kong maging artista namin si Lorna Tolentino dahil magaling siya. Plano ko rin na makuha ang serbisyo ng magagaling na premyadong mga direktor," dagdag pa niya.
Nakita siya ng isang talent coordinator sa TV sa isang party at ipinakilala kay Jojo Galang ng World Arts Cinema at ipinakilala sa pelikulang Sa Iyong Mga Haplos.
Graduating si Rona sa Centro Escolar University ngayong Marso sa kursong BSBA major in Marketing. Payag naman siya sa mga sexy scenes pero hindi yong breast exposure o bold scenes.
Bata pa ay mahilig na siyang umarte at sumali sa mga beauty contest. Miyembro rin siya ng teatro kaya maaasahan din sa pag-arte.
Noong 1999 ay nanalo siyang Lakambini ng Marikina at muling hinikayat na sumali sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant noong nakaraang taon pero tinamad na siya at nag-concentrate na lang sa pag-aartista.
Pangarap niyang makatambal sina Eddie Garcia at Aga Muhlach sakaling sumikat balang araw. Kasama siya sa Paninda bilang katulong pero hindi basta-basta katulong. "Hindi naman porke maganda ang isang tao ay hindi na pwedeng maging katulong. May kaya naman sa buhay ang iba kaya lang may sariling dahilan kung bakit pinapasok ang ganitong uri ng trabaho. Maganda naman ang role ko sa movie," aniya.
Nagsimula siya bilang ramp model hanggang naging finalists sa Ginoong Pilipinas noong 1997. Ipinakilala rin siya sa pelikulang Sa Iyong Mga Haplos at kasama rin ngayon sa Paninda.
Payag ka bang magpaka-daring sa pelikula? "Okey lang sa akin na maghubad basta’t walang frontal nudity.
Depende rin ito sa pelikula at direktor. Kung matindi ang proyekto, why not?" sey ni Joseph.
Tapos din ang aktor ng Marine Engineering.
Plano niyang kumuha ng acting workshop para lalo pang mahasa sa pag-arte.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended