Sa ngayon, maituturing si Pyar na pinaka-batang hubadera sa pelikula. Nineteen years old lang siya. First year nursing scholar siya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila bago napasabak sa pelikula.
May kaya sa buhay ang pamilya niya, may sariling negosyo. Tatlo silang magkakapatid, ang panganay ay tapos ng accounting at connected sa Star Cinema. Ang bunso ay nasa unang taon ng kursong engineering sa PUP.
Buong angkan ni Pyar ay tutol sa kanyang paghuhubad pero wala silang nagawa sapagkat obsesyon ni Pyar ang maging isang sikat na artista.
Bagaman at sinasabing lubhang napaka-higpit ngayon ng MTRCB sa mga bold movies, pero ipinasa nito ang Paninda sapagkat nabigyan ng hustisya ang bawat hubaran at eksenang sekswal ng direktor na si Jun Posadas.
Kasama ni Pyar sa maiinit niyang eksena sina Allan Paule at Raffy Anido. Suportado rin siya nina Melissa Mendez, Charlie Davao, Angie Ferro, Mike Magat at marami pang iba.
Tampok din sa pelikula ang mga baguhang sina Rona Reyes at Julia Lopez na bagaman at isang baguhan pa lamang ay nagpasiklab during the presscon for the movie nang umagaw ito ng atensyon sa pagdating niya ng late at lalo na nang sabihin niyang nag-pose siya sa Playboy Magazine.
May mga nagtaas pa ng kilay at nagsabi na baka hindi totoong taga-Playboy ang kumuha sa kanya kundi isang peke lamang pero, aniya ay may kopya na siya ng popular na babasahin at nakita na niya ang mga larawan niyang lalabas.
Tubong Toledo, Cebu si Anna na madalas manalo nun sa mga amateur singing contests. Pito silang magkakapatid na pawang kumakanta sa simbahan. Maituturing silang Von Trapp family ng Toledo sapagkat pati magulang nila ay kumakanta rin. Habang lumalaki silang magkakapatid ay nagbago ang kanilang mga interes maliban kay Anna na nagpatuloy sa kanyang pagkanta. Nang magdaos ng audition ang Smokey Mountain sa Cebu, sumali siya at napili. Nakasama siya ng grupo ng anim na buwan nang magtungo ang mga ito sa Japan. Ito ang naging simula ng isang magandang singing career kay Anna. She participated in the Asia Music Festival in Tokyo and Kyoto, the Hiroshima Asia Sports Festival, the Wakayama Resort Festival, the Mickey Curtis Concert sa Nagano na sinundan pa ng mga performances sa California, Honolulu, at Utah bilang bahagi ng San Jose Recoletos Cebu Theater Group mula 1995-1996. Naging bahagi rin siya ng major rock musical na Hair na lumibot ng Japan nung 1997.
Pumunta siya ng Maynila nung 1999 at naging talent ni Bibsy Carballo.
Tila wala nang pagkapigil sa pagsikat ni Anna. Regular na siyang napapanood sa ABS-CBN. Madali lamang siyang matandaan. Bukod sa namumukod-tangi niyang talino, at sa mabilis na sumisikat na awiting "You And I" na carrier single ng kanyang album, sino ba ang may ganun karaming buhok na halos ay tumatabing na sa napakaliit niyang mukha? But Anna, should never change her image which people are slowly learning to accept with so much gusto.