Movie reporter, director na!
July 3, 2001 | 12:00am
Ewan ko yung iba kong kasamahang entertainment writer, pero ako natutuwa na isa na namang kapatid ko sa hanapbuhay ang nabigyan ng pagkakataong umangat sa kanyang trabaho sa pamamagitan ng pagdidirek sa pelikula.
Ang maaksyong pelikula ng Regal Entertainment na nagtatampok sa tambalan nina Carlos Morales at Maricar de Mesa at may titulong Onsehan ay unang directorial chore ni Eugene Asis. Ang kanyang pagpasok sa trabahong ito ay tinatanggap ng maganda ng mga taga-industriya dahilan sa kanyang makabagong istilo sa pagdidirek.
"Gusto kong bigyan ng mariing focus ang takbo ng kwento at kung paano mag-behave ang bawat karakter sa kwento, how the characters develop as the story goes on towards the finale. Ito sa paniniwala ko ang pinakamahalagang aspeto ng pelikula, ang kwento. Pag maganda ang kwento, susunod na rito ang execution, ang pagkakagawa ng mga eksena," anang bagong direktor.
Isang jewel thief si Carlos na nagbabalak nang magretiro pagkatapos ng isang matagumpay na trabaho. Hind ito mangyayari sapagkat isa sa mga kasamahan niya (John Apacible) ang dodobol kros sa kanilang boss (Ricardo Cepeda) at siya ang mapagbibintangan. Si Maricar ang gagamiting pain para makuha kay Carlos ang ninakaw niyang mga brilyante.
Matapos masubok ang galing niya sa komedi, isang suspense thriller naman ang sasabakan ni Rufa Mae Quinto sa Radyo ng Viva Films. Isa siyang popular na announcer sa radyo na mapagtutuunan ng pansin ng isang repressed guy na pinapantasya ang mga tao na sa palagay niya ay nagpapahirap ng buhay niya. Ang role ay gagampanan ni Jeffrey Quizon.
Excited si Rufa sa kanyang role na aniya ay napaka-serious. "Nahirapan akong gawin ito dahilan sa alam n’yo naman, hindi ako sanay mag serious. Gusto ko pakikay-kikay lang pero, the role proves to be a challenge na hindi ko basta mapapakawalan," aniya.
Kasama ni Rufa Mae sa movie sina Bojo Molina, Katya Santos, RJ Leyran, Shermaine Santiago at Louie Medel sa direksyon ni Yam Laranas na siya ring gumawa ng istorya, screenplay at cinematography.
Medyo nailang ang mga Hunks na sina Jericho Rosales, Piolo Pascual, Diether Ocampo at Carlos Agassi (absent si Bernard Palanca dahil may sakit daw) nang ikumpara sila ng media sa Chippendale, isa ring foreign group ng mga kalalakihan na may magagandang mukha at katawan na kumakanta at nagsasayaw nang nakabilad ang katawan. Mas gusto ng Hunks ikumpara sila sa mga boy bands na binubuo rin ng mga guwapong myembro.
Regular na napapanood ang grupo sa ASAP at marahil ang hindi magkamayaw na tilian ng maraming k ababaihan at kabadingan ang nagbigay ng inspirasyon sa ABS-CBN para gawin silang Hunks gayong ayon na rin sa kanilang pag-amin ay hindi mga singer ang limang kalalakihan. Sa halip ginawa silang mga local counterparts ng mga telenovela heartthrobs dahil silang lima ay mayroong nilalabasang telenovela. Si Diether sa Recuerdo de Amor, si Jericho, sa Pangako Sa ‘Yo, sina Bernard at Carlo ay nasa Sa Dulo Ng Walang Hanggan at si Piolo sa Sa Puso Ko, Iingatan Ka.
Mga commmercial models din sila ng mga magkakalabang underwears, pizza chains, beverages, jeans at marami pa. They all have individual skeds that seem impossible to follow at ang pagkakatag ng Hunks ay lalong magpapahirap sa kanilang schedule masters.
Mapapanood sila sa TV special para sa birthday ni Dolphy na mapapanood this month. Magkakaroon sila ng isang malaking concert sa July 11 sa Music Museum. Iko-cover ito ng Star Studio at ire-record ng live ng Star Records para sa isang live album ng lima na may dalawang original cuts. Ang CD ay may bonus na VCD na magtatampok sa behind the scenes and actual show footages ng Hunks. May plano rin para sa isang US tour para sa kanila.
Ang maaksyong pelikula ng Regal Entertainment na nagtatampok sa tambalan nina Carlos Morales at Maricar de Mesa at may titulong Onsehan ay unang directorial chore ni Eugene Asis. Ang kanyang pagpasok sa trabahong ito ay tinatanggap ng maganda ng mga taga-industriya dahilan sa kanyang makabagong istilo sa pagdidirek.
"Gusto kong bigyan ng mariing focus ang takbo ng kwento at kung paano mag-behave ang bawat karakter sa kwento, how the characters develop as the story goes on towards the finale. Ito sa paniniwala ko ang pinakamahalagang aspeto ng pelikula, ang kwento. Pag maganda ang kwento, susunod na rito ang execution, ang pagkakagawa ng mga eksena," anang bagong direktor.
Isang jewel thief si Carlos na nagbabalak nang magretiro pagkatapos ng isang matagumpay na trabaho. Hind ito mangyayari sapagkat isa sa mga kasamahan niya (John Apacible) ang dodobol kros sa kanilang boss (Ricardo Cepeda) at siya ang mapagbibintangan. Si Maricar ang gagamiting pain para makuha kay Carlos ang ninakaw niyang mga brilyante.
Excited si Rufa sa kanyang role na aniya ay napaka-serious. "Nahirapan akong gawin ito dahilan sa alam n’yo naman, hindi ako sanay mag serious. Gusto ko pakikay-kikay lang pero, the role proves to be a challenge na hindi ko basta mapapakawalan," aniya.
Kasama ni Rufa Mae sa movie sina Bojo Molina, Katya Santos, RJ Leyran, Shermaine Santiago at Louie Medel sa direksyon ni Yam Laranas na siya ring gumawa ng istorya, screenplay at cinematography.
Regular na napapanood ang grupo sa ASAP at marahil ang hindi magkamayaw na tilian ng maraming k ababaihan at kabadingan ang nagbigay ng inspirasyon sa ABS-CBN para gawin silang Hunks gayong ayon na rin sa kanilang pag-amin ay hindi mga singer ang limang kalalakihan. Sa halip ginawa silang mga local counterparts ng mga telenovela heartthrobs dahil silang lima ay mayroong nilalabasang telenovela. Si Diether sa Recuerdo de Amor, si Jericho, sa Pangako Sa ‘Yo, sina Bernard at Carlo ay nasa Sa Dulo Ng Walang Hanggan at si Piolo sa Sa Puso Ko, Iingatan Ka.
Mga commmercial models din sila ng mga magkakalabang underwears, pizza chains, beverages, jeans at marami pa. They all have individual skeds that seem impossible to follow at ang pagkakatag ng Hunks ay lalong magpapahirap sa kanilang schedule masters.
Mapapanood sila sa TV special para sa birthday ni Dolphy na mapapanood this month. Magkakaroon sila ng isang malaking concert sa July 11 sa Music Museum. Iko-cover ito ng Star Studio at ire-record ng live ng Star Records para sa isang live album ng lima na may dalawang original cuts. Ang CD ay may bonus na VCD na magtatampok sa behind the scenes and actual show footages ng Hunks. May plano rin para sa isang US tour para sa kanila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended