^

PSN Showbiz

Male comedian, magkakasakit ng grabe! - Psychic

-
"Akala ko eh hindi na maipalalabas ang Apoy Sa Karagatan," sabi ni Tara Viros noong isang linggo. Palabas ito this week sa Metro Manila. "Ang tagal ko kasi itong hinintay dahil first starring role ko, leading lady ni Jestoni Alarcon. Lahat na ata eh ipinagawa sa akin ng direktor namin dito, si Mauro Gia Samonte. Pinahawak ako ng baril, pinag-comedy, pinag-sex scenes with Jes. Talagang ninerbyos ako nung nakikipaghalikan ako kay Jestoni. First time ko kasi. Hindi ko alam kung ititikom ko ang lips ko o ibubuka ko ang mouth ko. Diyos ko, talagang ninerbyos ako!"

Bakit, ngayon ka lang ba nahalikan ng lalake? "Tito naman, virgin na virgin pa ako! Si Jestoni ang unang lalake na nakahalikan ko, buti na lang, screen kiss ito," sabi niyang parang totoo.

Disiotso anyos na si Tara pero kilos-kinse. Hindi ko alam kung niretoke lang ang edad niya. "Siguro, I just look younger than my age. Ito bang figure kong ito, ang-15 lang? Ang dami ko ngang naririnig na intriga na nagpa-bust lift daw ako? Utang na loob, ‘no! Genuine boobs itong sa akin. Kahit i-feel pa ito ng expert."

Sabi ni Tara, tama lang na ngayon ipinalabas ang movie niya with Jestoni and Tonton Gutierrez. "Medyo nagulo kasi ng konti ang showbis, eh. Naghigpit sa bold dahil sa Live Show. Nagkaroon ng election. Before that, nagkaroon ng Edsa Tres. Eh sino bang manonood ng sine kung ang gulo-gulo ng bansa?

"The whole election campaign nasa Biliran kami ni Yani Rose, tumulong kami sa kandidatura ni tito Jojo Veloso. Ay naku, talagang popular na popular si tito Jojo sa Biliran! Gustung-gusto nila si Tito Jojo pag sinasabi niyang maraming artista ang pupunta sa Biliran pag nanalo siya. Lalo na nung sinabi niyang magsu-shooting sa Biliran at magi-extra ang makukuhang taga-roon. Palakpakan! Tingin ng tao sa kanya doon, isang artista, isang celebrity!"

Syempre, natuwa si Tara nang manalong board member ang manager niya. "Proud kami, syempre dahil kumbaga, mas nagkaroon kami ng prestige. Hindi na siya ordinaryong manager. Feeling ko, baka tumakbo siyang mayor ng Caibiran sa susunod na election.

"Hindi naman niya kami napapabayaan dahil paroo’t parito naman siya. May staff na nangangalaga sa amin. Alam niya ang nangyayari. Pare-pareho lang kaming naga-adjust . Nakikipag-communicate siya thru cellphone."

Ano yung balita na hinihintay muna raw ng Viva Films ang magiging resulta ng box-office returns ng Apoy Sa Karagatan bago mabigyan si Tara ng bagong pelikula? "Hindi ako aware sa ganyang balita. Bagong contract star ako ng Viva at ang alam ko, the contract should be followed dahil kontrata ‘yon, ke kumita sa iba yung pelikula ko o hindi. Kasi, kung ganun ang mangyayari, paano kung hindi kumita, halimbawa? Eh ang dami ngang balita na medyo hindi kumikita ang Tagalog movies ngayon? I Don’t think it’s true, tungkol sa pagbibigay ng bago kong pelikula. Intriga lang ‘yon. Kahit saang film company, ang importante, I give my best as an actress. Kakayanin ko kahit mahirap. Kahit role ng sirkera, kaya ko. Bold na artistic, kaya ko. Yung role ni Angelina Jolie sa Tomb Raider, kaya ko, bakit hindi?"

Walang boyfriend si Tara, kahit sa Leyte na probinsiya niya. "Ay naku, kung papipiliin ako sa lalake o pelikula, eh di pipiliin ko na ang pelikula dahil trabaho ito, career! Sa ngayon, halos nagsisimula lang ako, alangan namang pagbo-boyfriend ang asikasuhin ko, ‘no? Siguro kung malandi ako, baka pa. Kaso, kahit pa-sexy ang drama ko sa pelikula, lagi pa rin akong prim and proper."

Eh ano yung balita na isang mayor ng isa sa municipalities ng Biliran ang patay na patay sa kanya, binata ito, bata pa, at handa siyang pakasalan? "Ay naku, sorry po, hindi ako yon! Si Yani Rose ang may ganung drama. Siya yung nililigawan ng mayor na yon, hindi ako. Well, I am happy for her. Yon lang ang masasabi ko."
*****
Nagkatotoong lahat ang hula ng sumisikat na psychic na si Brian Flores tungkol sa mga artistang matatalo sa pulitika na nailathala sa PSN isang buwan bago maghalalan. Kasama na rito yung hula niyang matatalo si Nora Aunor, hindi ko lang isinama dahil ayokong bigyan ng sama ng loob ang superstar. Nagkataon, ganun din ang prediksyon ni Jojo Acuin, ang Nostradamus of Asia.

Muli kong nakahuntaan si Brian sa 4th floor office niya sa SM Megamall last week. Panguna niya, "Kahit natalo si Nora Aunor sa Bicol, patuloy ang mga charity works niya rito, lalo na ngayong pumutok ang Mayon volcano. Tatanggap siya ng pelikula at concerts. Oras na matapos ang term ni Villafuerte, muli siyang kakandidato at mananalo na.

"Sa natitirang months of the year, hindi pa rin mawawala ang bold. Up-and-coming young stars will resort to go bold at tatangkilikin naman sila ng publiko.

"Isang matandang comedian, babae, ang mamamatay. Malubhang sakit naman ang dadapo sa isang komedyanteng lalake. Isang sikat na young actor ang maieskandalo ang buhay.

"Sa kabila ng intriga sa kanilang relasyon, mao-overcome nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang kanilang problema, kung talagang tapat sila sa isa’t isa. Pero kung hindi, it will not be a bed of roses for them.

"Patungong December, isang eskandalo ang magaganap sa isang gay director at involved dito ang kanyang mga alaga.

"Milya-milya pa rin ang lamang ni Claudine Barretto kay Angelika dela Cruz. Magbabalik muli si Angelika sa Channel 2 na minsan na niyang iniwan.

"For sure, Joseph Estrada will be convicted sa mga kaso niya laban sa gobyerno sa kabila ng mga delaying tactics ng mga abugado niya. It will take another Philippine president to grant him amnesty and pardon."

Ilan kaya ang magkakatotoo rito? Pagkatapos na lang ng year 2001 ako magko-comment sa hula ng psychic na ito.

AKO

BILIRAN

ISANG

LANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with