Kung sa concert ay babak-apan siya nina Regine Velasquez, Wency Cornejo, Jaremiah at Rico ng Rivermaya, sa album naman ay pawang mga malalaking pangalan sa daigdig ng musika ang suporta niya – Homer Flores, Jay Durias, Gerald Salonga, Vehnee Saturno, Freddie Saturno, Marc Lopez, Marvin Querido, Trina Belamide, Christine Bendebel, Lisa Diy, Brian Cua, Alvina Sy, Alvin Nunez at Albert Tamayo.
Sa isang pakikipag-usap kay Jaya, matapos ang kanyang album launch sa Hard Rock Cafe, sinabi ng kinikilalang Queen of Soul na kaya Unleased ang titulo ng kanyang konsyerto ay dahilan sa "I’ve always wanted to show people my true self, yung ako na walang pretensyon, na kapag nagagalit ay talagang galit. Kapag itinago ko ito ay magkakaroon ako ng migraine. Hindi talaga ako marunong magkunwari."
At 30 years old, sinabi niyang ginagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin. "Walang tao na makapagdidikta sa akin. Umiinom ako ng beer kung gusto ko, ng coke at walang makapagbabawal sa akin nito. Ako ang nagpalaki sa sarili ko, sa tulong ng aking ina. Ang nanay ko lamang ang pwedeng magsalita sa akin, magbawal. Ang importante wala akong nasasaktan o inaapakang tao sa aking mga ginagawa," aniya.
Bagaman at excited na siyang magka-anak, sinabi niya na "Wala pa kaming balak ni Andrew, wala pa kaming bahay. Gusto ko ng bahay dito pero, gusto rin ni Andrew ng isang bahay sa States. Hindi ko pa masabi kung kailan ito magkakaroon ng katuparan," aniya.
May ginaganap na isang special promo para sa album ni Jaya. Para makasali, mag-log in sa mga sumusunod: pinoycentral. com, philmusic.com o clickthecity.com at sagutin lamang ang mga trivia questions tungkol kay Jaya at sa kanyang album. May isang tanong bawa’t araw. Tatlong winners ang pipiliin bawa’t araw. Bawat isa ay mananalo ng CD ni Jaya at sa mga nanalo isa ang mananalo ng grand prize ng 2 libreng tiket para sa Unleased concert ni Jaya sa Araneta Coliseum sa Hulyo 28.