Election candidates, balik-TV
June 27, 2001 | 12:00am
Nagbabalikan na sa kani-kanilang television programs ang lahat ng mga artista at mga broadcasters mula sa kanilang kampanya at kandidatura noong nakaraang eleksyon.
Balik Magandang Gabi Bayan si Noli de Castro, si Winnie Monsod ay babalik na sa Debate nina Mare at Pare.
Ewan ko lang kung si Noli de Castro pa ang maga-anchor sa TV Patrol dahil sa palagay ko ay hindi na kaya ng kanyang schedule ang daily newscast dahil magiging abala na siya sa Senado.
Sinabi rin ni Teddy Boy Locsin that he will be back on Assignment  puwede siguro dahil weekly lamang ito.
Ewan ko kung may bagong programang babalikan si Ted Failon sa Dos ngayong wala nang Hoy Gising after he left for his candidacy at iba pang broadcasting assignments.
Balik-TV na si Rudy Fernandez, Bong Revilla at kasali si Armida Siguion Reyna sa bagong soap opera sa Dos na Sa Puso Ko, Iingatan Ka which headlines Judy Ann Santos.
Kung ang mga palabas sa telebisyon ang pagbabatayan, siguro magtatabla lamang ang interes ng mga viewers sa showbiz at krimen. Oo nga at may iyakang soap opera at kakornihang sitcom tayong kinagigiliwan pero nakatutok din ang mas maraming Pilipino sa pangyayaring showbiz at mga detalye ng kriminalidad sa ating paligid.
Hindi lamang sa pang-araw-araw na diyaryo matatagpuan kapwa ang mga balitang krimen at showbiz, may sari-saring programa rin ang sadyang ipino-produce para sa mga isyung ito.
Ang bagong programa ni Richard Gomez na Your Honor ay isang legal format na hango umano ang mga kaso sa tunay na mga pangyayaring kriminal. Ang fictionalized na Kabalikat ni Loren Legarda ay tungkol din sa mga criminal cases. May True Crime si Gus Abelgas, krimen din ang talagang tinatalakay.
Kadalasan sa The Correspondents, mga balitang krimen din ang tinatalakay, maging sa Magandang Gabi, Bayan. Ang mga programang Assignment ni Teddy Boy Locsin, Katapat ni Mayor Fred Lim, Hoy Gising ni Ted Failon ay madalas hango sa mga tunay na kaso na idinedetalye na lamang sa programa. At least ten programs na iyon o sampu o higit pang oras na napapanood natin tungkol sa krimen bukod pa sa pang-araw-araw na mga kaso ng rape, robbery, homicide, murder, graft at kung anu-ano pang kriminalidad. At may special reports pa ang mga programang may magazine format tulad ng The Correspondents tungkol din sa corruption at iba pang katiwalian.
At sa GMA-7, hindi magpapahuli si Mike Enriquez sa Imbestigador, ang isang grupo sa pangunguna ni Jessica Soho sa Brigada Siete. May Emergency si Arnold Clavio at I-Witness at The Probe Team na malimit ay krimen din ang tinatalakay. Ang Kasangga ni Rudy Fernandez ay tungkol din sa criminal cases. May Undercover portion pa ang Saksi, bukod pa sa kanilang daily crime report at follow-up upang i-update ang mga nakaraang crime stories.
May programang Wanted ang ABC-5 na isa pang Tulfo ang host  si Raffy na kapatid nina Erwin at Mon. May panel talk show din sa RPN-9 at PTV-4 na tungkol sa mga krimen. Ang mga programang tungkol sa batas at legalidad ay siyempre totoong krimen ang ginagawang sampol ng mga hosts. Noong hindi pa presidente si Erap, may programa din siya sa IBC-13 tungkol sa mga krimen at mga biktima kung kinakailangan. Nagkaroon din ng ganitong programa si Jinggoy noong mayor.
Balik Magandang Gabi Bayan si Noli de Castro, si Winnie Monsod ay babalik na sa Debate nina Mare at Pare.
Ewan ko lang kung si Noli de Castro pa ang maga-anchor sa TV Patrol dahil sa palagay ko ay hindi na kaya ng kanyang schedule ang daily newscast dahil magiging abala na siya sa Senado.
Sinabi rin ni Teddy Boy Locsin that he will be back on Assignment  puwede siguro dahil weekly lamang ito.
Ewan ko kung may bagong programang babalikan si Ted Failon sa Dos ngayong wala nang Hoy Gising after he left for his candidacy at iba pang broadcasting assignments.
Balik-TV na si Rudy Fernandez, Bong Revilla at kasali si Armida Siguion Reyna sa bagong soap opera sa Dos na Sa Puso Ko, Iingatan Ka which headlines Judy Ann Santos.
Hindi lamang sa pang-araw-araw na diyaryo matatagpuan kapwa ang mga balitang krimen at showbiz, may sari-saring programa rin ang sadyang ipino-produce para sa mga isyung ito.
Ang bagong programa ni Richard Gomez na Your Honor ay isang legal format na hango umano ang mga kaso sa tunay na mga pangyayaring kriminal. Ang fictionalized na Kabalikat ni Loren Legarda ay tungkol din sa mga criminal cases. May True Crime si Gus Abelgas, krimen din ang talagang tinatalakay.
Kadalasan sa The Correspondents, mga balitang krimen din ang tinatalakay, maging sa Magandang Gabi, Bayan. Ang mga programang Assignment ni Teddy Boy Locsin, Katapat ni Mayor Fred Lim, Hoy Gising ni Ted Failon ay madalas hango sa mga tunay na kaso na idinedetalye na lamang sa programa. At least ten programs na iyon o sampu o higit pang oras na napapanood natin tungkol sa krimen bukod pa sa pang-araw-araw na mga kaso ng rape, robbery, homicide, murder, graft at kung anu-ano pang kriminalidad. At may special reports pa ang mga programang may magazine format tulad ng The Correspondents tungkol din sa corruption at iba pang katiwalian.
At sa GMA-7, hindi magpapahuli si Mike Enriquez sa Imbestigador, ang isang grupo sa pangunguna ni Jessica Soho sa Brigada Siete. May Emergency si Arnold Clavio at I-Witness at The Probe Team na malimit ay krimen din ang tinatalakay. Ang Kasangga ni Rudy Fernandez ay tungkol din sa criminal cases. May Undercover portion pa ang Saksi, bukod pa sa kanilang daily crime report at follow-up upang i-update ang mga nakaraang crime stories.
May programang Wanted ang ABC-5 na isa pang Tulfo ang host  si Raffy na kapatid nina Erwin at Mon. May panel talk show din sa RPN-9 at PTV-4 na tungkol sa mga krimen. Ang mga programang tungkol sa batas at legalidad ay siyempre totoong krimen ang ginagawang sampol ng mga hosts. Noong hindi pa presidente si Erap, may programa din siya sa IBC-13 tungkol sa mga krimen at mga biktima kung kinakailangan. Nagkaroon din ng ganitong programa si Jinggoy noong mayor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended