Mga babaeng naghirap bago lumigaya

Kamakailan lang laging laman ng mga showbis television talk shows si Melanie Marquez na walang ginawa kundi isiwalat ang kanyang problema tungkol kay Derek Dee at tungkol sa iba pang domestic strife nilang mag-asawa. Maalingasngas ang kanilang paghihiwalay at may demandahan pa yata tungkol sa child custody at property settlement. Nakita ko ang mga bagong larawan ni Melanie at pagkaganda-ganda niya. May asawa na siyang muli, isang American lawyer at Lawyer din ang apelyido kaya siguro wala nang problema si Miss International. At siguro, maaayos na rin ang kanyang problema away from the television cameras.

Wala na ring inirereklamong problema sa telebisyon si Hilda Koronel na maligaya na rin sa kanyang napangasawang hindi taga-showbiz. Nagkaroon din ng malaking iskandalo si Hilda dahil umano sa paghihiwalay nila ng kanyang dating ka-partner. May doktorang involved at halos araw-araw noon ay may inire-report si Hilda na bagong development sa kanyang kaso. Maingay din iyon at magulo pero salamat naman at naayos na ang lahat — hopefully.

Ang isa pang lumagay na sa tahimik ay si Amy Austria. Pero lagi naman yatang tahimik si Amy kung ang kanyang lovelife ang pag-uusapan. Ang akala ko noon ay wala nang makakapalit sa puso niya si Jay Ilagan pero siguro napakabait ng kanyang present husband kaya nakumbinsi na rin siyang umibig at magpakasal. Amy deserves to be happy dahil marami rin naman siyang taong pinaligaya.

Hindi na nga lang aktibong-aktibo si Amy sa showbiz pero paglabas niya, ito ay laging may kabuluhan. The last time she appeared in a movie, nanalo siyang best supporting actress — sa Anak last year which starred Vilma Santos. I hope these women find lasting happiness in this world, lalo pa nga at napaka-unstable ng mundo ngayon, kailangan mo pang maghirap bago lumigaya. - Jennifer Miranda
* * *
Email: jen08@edsamail.com.ph

Show comments