"Napaka-narrow ng isip nila sa mga pelikula. Imagine ‘yung dalawang P----- I-- gusto nilang ipatanggal sa amin. Dalawa kasi ‘yung PI sa movie - isa ‘yung kay Cherrie Pie (Picache) at ‘yung kay Maricel na minumura niya supposedly ang asawa niya.
"So tinanggal namin ‘yung kay Cherrie Pie kaya pag napanood n’yo ‘yung movie, ang dialoque ni Cherrie Pie ‘na buhay ‘to,’ wala na ‘yung PI. Imagine muntik nang maging R 18 ang movie dahil sa katangahan ng chairman (referring to Roces)," he says sa isang interview.
"Ito ‘yung movie na walang lovescene o boldscene tapos gusto nilang gawing R 18. Paano na ‘yung nasa 14,15,16,17, sila ang mga estudyante na dapat mapanood ang pelikula," he adds.
Pero in the end, na-realize ng MTRCB na bigyan ng PG 13 ang pelikula. "Bakit ‘yung mga foreign movies puwedeng magmura? Dahil ba mas maganda sa English? Kaya ngayon takot na ang mga producer na gumawa ng pelikula dahil sa sobrang higpit ng MTRCB. Tulad din ‘yan ng sinasabi ng ibang director na ang ginagawa nila ay para sa kapakanan ng industriya ng pelikula sa bansa, pero ang totoo para lang sa kanila," sabi ni Direk Joel na obvious na may pinaparinggan.
Naalarma na rin si direk dahil lately, lahat foreign movies ang kumikita. Like Pearl Harbor, The Mummy Returns, Head Over Heels among others na main reason kung bakit hindi kumikita ang mga Tagalog movies like Buhay Kamao aside from the fact na paghihigpit ng MTRCB. "We cannot compete with the foreign films. Hindi ko sinasabing itigil ang pagpapalabas ng foreign movies, pero dapat ma-control, a certain kind of control. Kasi pag pumasok lahat dito ng Hollywood movies, mamamatay ang industriya like what happened to some Asian countries and some part of Europe.
"Saka tayo lang ang bansa na walang support ang gobyerno sa movie industry. Kulelat tayo sa suporta kumpara sa ibang bansa like Vietnam. Makikita mo ang suporta ng kanilang gobyerno pag may mga international film festival," he laments.
Hindi pa pagod makipaglaban si Direk Joel as in nakahanda siyang magbalik lansangan para mapansin ng gobyerno ang nangyayari sa industriya ng pelikula sa bansa bago mahuli ang lahat. "Kailangang mapansin as a strong sector ang industriya, hindi ‘yung hanggang pakanta-kanta na lang tayo," he says.
Anyway, 10 years na sa pelikula si Direk Joel. And more or less, 23 movies na ang nagawa niya. At kung may kino-consider siyang masterpiece sa mga ginawa niya, ito ang Flor Contemplacion ni Nora Aunor.
Naka-relate si Direk Joel sa Mila because he himself came from a family of teachers - teacher ang mom niya at school principal ang auntie niya.
There was a time din na naging teacher siya ng Theater Arts sa St. Scholastica and La Salle. "Pero iba kasi ‘yung teacher ka sa private school at sa public school. Iba ‘yung experience ni Mila (Maricel) sa pelikula. She’s a very good teacher na palpak ang love affair." Pero product ng public school si Joel - Cavite National High School at University of the Philippines (State University).
Anyway, the story of Anita Pamintuan inspired the movie Mila. Sa pelikula, traditional teaching can also be supplemented with other teaching methods.
Moreover, the movie is reflective of the society’s situation, of how people in Ermita live - the prostitutes, the street children, the vagrants among others.
You read it right folks! Isa si Jestoni sa iilang artistang nakalusot sa katatapos na election. Although walang masyadong publicity ang kandidatura niya, nanalo pa rin siya. "Pakiramdam ko, parang bago ang lahat sa career ko ngayon. May bago akong pinasok - ang pulitika. Dagdag na kaalaman ‘yun para sa akin.
"Bagong direksyon din sa movie career ko dahil I’m doing films for Regal now na talagang action movies ang forte," Jestoni says.
Back to action nga si Jestoni via Apoy Sa Karagatan under Regal Entertainment.
Ang pelikula ay tungkol sa isang abducted na na-in love sa abductor. "Mahirap sa lahat ‘yun, lalo na kung bakit mo pinasok ‘yung gulong ‘yun eh dahil sa pera lang, na halagang isang milyon ang habol. Ganito ang takbo ng movie, ‘yun ang major twist," he adds sa isang press statement.
"Balik tayo sa hard action ngayon pagkatapos nang matagal-tagal na bakasyon. Action-adventure ito na may kasamang snatches of comedy and suspense. Matagal na ring walang ganitong pelikula kaya sana magustuhan ng manonood," he adds.
Jestoni plays Johnny Laguna in the movie - a tough, smart private eye who goes into bounty hunting when the towns richest guy (Tonton Gutierrez) ay magbigay ng 1 million to anyone who could rescue his wife (newcomer Karra Kristel) from the hands of her abductor (Derek Dee).
Si Tara Viros ang nag-provide ng exciting scenes with Jestoni in the movie. "She’s the kind of movie character na very exciting ang bawat pasok ng eksena. Bigla siyang papasok sa eksena kung kailan hindi inaasahan kaya lalong nagiging grabe ang labanan. Very comic ang situations niya and at time na hindi comedy, sex naman ang papasok," sabi ni Jestoni about Tara.
"Para sa unang sabak ko sa pelikula, kakaibang role na agad ito para sa akin. Markado agad ang role at masarap gawin. Dito ko nadiskubre na may kakayahan pala akong mag-comedy," Tara says.
At any rate, Apoy Sa Karagatan is set to kick-off in Metro Manila theaters on June 27.