Mula pa noong nakaraang taon ay sumusuporta na siya sa mga ito sa maliit niyang pamamaraan gaya ng pagdalaw niya sa mga sugatang sundalo sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City at magbigay ng moral support. Dalawang beses nang ginawa ito ni Halina.
Sa ngayon, malungkot ang dalaga sa mga sundalong namatay at nasugatan. Ayon kay Halina, dapat nang masugpo ang mga bandido para hindi na sila maghasik pa ng lagim.
"Marami nang naapektuhan, maging ang mga inosenteng mamamayan ay nadadamay. Nakakaawa ang mga sundalong namatay. Pabor ako sa ginagawa ng ating Pangulo na lipulin na sila.
"Pati ekonomiya ng ating bansa ay apektado na dahil sa kanilang ginagawa. Wala silang puso," ang sabi pa ni Halina. Kung si Halina ang tatanungin, mas gusto niyang makipaglaban sa mga bandido kaysa ialok ang kanyang katawan sa mga ito lalo na sa kanilang mga lider.
"Mas gusto ko talagang labanan sila. Sabi ko nga, kung natupad lang ang pangarap kong maging sundalo baka kasama rin nila akong nakikipagdigma ngayon sa mga Abu Sayyaf.
"Ito naman ay opinyon ko. Kung ang ibang sexy stars ay iniaalok ang kanilang mga katawan, nirerespeto ko sila. Opinyon nila iyon at may sari-sarili tayong paniniwala," may lalim pang pahayag ng bida sa pelikulang Amorseko, Damong Ligaw. (Ulat ni Rodel Fernando)