Nakalusot din si Pyar!

Sa wakas, maipapalabas na rin ang launching movie ng tinaguriang sariwang sexy star na si Pyar Mirasol. In the can na kasi this July ang pelikula niyang Paninda ng World Arts Cinema.

Buong akala ng dalaga ay mahirap itong makalusot sa censors dahil ang pelikula niya ay sex drama. Tuwang-tuwa si Pyar nang mabalitaan niyang ipapalabas na ito.

Paninda
is not just an ordinary sex film. May katuturan ito at sadyang ginawa para kay Pyar. Sa naturang pelikula ay ipinakita niya ang buong husay niya sa pagganap. Of course, makikita rin ang alindog ng dalaga na pinagpipiyestahan ng mga kalalakihan.

Aminado si Ms. Mirasol na maraming sexy scenes sa pelikula pero ipinapangako niya na ang kanyang movie ay magandang pelikula at sariwang-sariwang tulad niya.

Bukod kay Pyar, kasama rin sa pelikula sina Charlie Davao, Melissa Mendez, Allan Paule, Rona Reyes, Angie Ferro at Raffy Anido. Introducing sa pelikula ang maganda at sexy ring si Julia Lopez. Idinirehe ito ng magaling na si Jun Posadas. (Ulat ni Rodel Fernando)

Show comments