Sa paksang tinalakay tungkol sa fatherhood, binigyang diin ni Butch ang kanyang obserbasyon sa pagiging ama ng mga Pinoy sa ngayon. "They have ceded responsibility for spiritual leadership to the mother who leads in reading the Bible, prayer and bringing kids to church. God’s blueprint for the family is for the man to be spiritual leader," sabi ni Butch. Sa kabila nito mayroon naman silang magandang ugali na kanyang binigyang-pansin. "He will do anything so that his child will succeed. Many fathers say, I only reached this far in my life. I want my son to surpass me," paliwanag niya.
Ngunit sa katulad ni Butch, isa sa pinagkukunan niya ng inspirasyon bilang ama ng tahanan ay ang Panginoon dahilan sa ang Diyos mismo ay nagiging ama para sa kanya. "God treats me with a lot of love, grace, instruction and sometimes discipline. I’m glad I came to know Jesus personally as my Savior before I became a father. Malaki rin ang pasasalamat ni Butch sa pagkakaroon ng asawang gaya ni Tricia. "A very good mother and inspires me not to pass on to her my duties as a father," ayon sa kanya. At kung ilalarawan naman niya ang pagiging ama sa kanilang mga anak masasabi niyang siya ay isang, "big brother, teacher, model at disciplinarian."