^

PSN Showbiz

Mas gusto ni Halina na labanan kaysa ialok ang sarili sa Abu Sayyaf

-
Malaki talaga ang concern ni Halina Perez sa mga sundalong nakikipaglaban ngayon sa mga bandidong Abu Sayyaf. Itinuturing niya ang mga ito na mga bayani.

Mula pa noong nakaraang taon ay sumusuporta na siya sa mga ito sa maliit niyang pamamaraan gaya ng pagdalaw niya sa mga sugatang sundalo sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City at magbigay ng moral support. Dalawang beses nang ginawa ito ni Halina.

Sa ngayon, malungkot ang dalaga sa mga sundalong namatay at nasugatan. Ayon kay Halina, dapat nang masugpo ang mga bandido para hindi na sila maghasik pa ng lagim.

"Marami nang naapektuhan, maging ang mga inosenteng mamamayan ay nadadamay. Nakakaawa ang mga sundalong namatay. Pabor ako sa ginagawa ng ating Pangulo na lipulin na sila.

"Pati ekonomiya ng ating bansa ay apektado na dahil sa kanilang ginagawa. Wala silang puso," ang sabi pa ni Halina. Kung si Halina ang tatanungin, mas gusto niyang makipaglaban sa mga bandido kaysa ialok ang kanyang katawan sa mga ito lalo na sa kanilang mga lider.

"Mas gusto ko talagang labanan sila. Sabi ko nga, kung natupad lang ang pangarap kong maging sundalo baka kasama rin nila akong nakikipagdigma ngayon sa mga Abu Sayyaf.

"Ito naman ay opinyon ko. Kung ang ibang sexy stars ay iniaalok ang kanilang mga katawan, nirerespeto ko sila. Opinyon nila iyon at may sari-sarili tayong paniniwala," may lalim pang pahayag ng bida sa pelikulang Amorseko, Damong Ligaw. (Ulat ni Rodel Fernando)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AMORSEKO

DAMONG LIGAW

HALINA

HALINA PEREZ

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

RODEL FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with