Charlene gagawa ng movie bago manganak

Hans Montenegro is back in showbiz. Matagal-tagal ding nawala sa circulation si Hans pagkatapos ng video scandal na kinasangkutan niya na umabot sa senado several years ago.

Sa tagal nang panahon ng pagkawala niya, naka-graduate siya sa Ateneo (Psychology) and took up Master’s degree in Santa Clara University sa California.

After he graduated, nag-work siya as a counselor and technical recruiter for IBM in San Francisco.

At sa kanyang pagbabalik, ibang Hans na ang mapapanood. Nauna siyang lumabas sa Unang Hirit a month ago at impressive ang naging performance niya as host sa Mutya ng Pilipinas kamakailan.

Isa siya sa tatlong additional mainstay ng Unang Hirit with two segments - "Around the Philippines" and "Hans on Technology."

Aside from Hans, kasama ring ipinakilala sa press ng GMA ang 6-foot news reporter, Ivan Mayrina na sa kalagitnaan ng pagkakagulo sa Mendiola noong May ay nagri-report pa rin. Ito ay sa kabila ng nangyayaring batuhan at basagan ng salamin habang tinutulungan niya ang co-reporter, Jiggy Manicad, na tinamaan ng bato sa gitna ng batuhan.

An alumnus of the College of Mass Communication, Ivan found a home in broadcasting that fateful day he was hired to produce sports and travel segments for Unang Hirit. Hindi nagtagal, isinama na siya sa cast ng programa bilang live news anchor and soon became host of a new segment where he would tackle the top stories of the day from the country’s leading dailies.

Familiar face naman si Rhea Santos na isa ring new live host ng nasabing morning show - "Brgy. Earth," environmental segment ng Unang Hirit.

Towering at 5’9, it is hard not to notice this statuesque beauty. Naging commercial endorser na kasi siya ng Gold Eagle, Kremil-S, Pacific Internet and Canesten. She also attended a modeling school and once won a modeling tilt.

Hindi lang siya pretty face dahil she graduated Masscomm (magna cum laude) in St. Paul College.

Silang tatlo ang bagong member ng Unang Hirit early birds na binubuo nina Arnold Clavio, Miriam Quiambao, Suzi Entrata, Lyn Ching and Martin Andanar.

Anyway, sinabi ng executive producer ng show na may pagkakataon na mas mataas ang rating nila kumpara sa Alas Singko Y Medyo lalo na nga’t nawala sina Christine Bersola and Julius Babao sa kalabang show.

Mapapanood sila from Monday to Friday, 5:00-8:00 am.
*****
Speaking of Hans, divorced na siya sa first wife niyang si Cara Subijano, former Binibining Pilipinas-World. Nagkaroon sila ng isang anak na naiwan kay Cara sa San Francisco. Ayon kay Hans, loveless siya ngayon at busy siya sa kanyang bagong restaurant business - Po Na Na resto in Libis.
*****
Malamang na gumawa ng movie si Aga Muhlach with Charlene Gonzales bago tuluyang lumaki ang tummy ng actress under the direction of Jose Javier Reyes.

Ayon sa isang Viva insider, may script na silang naka-ready for the couple. Kaya lang ay hindi pa masimulan dahil nagda-dubbing pa si Aga ng pelikula nila ni Regine Velasquez - Pangako Ikaw Lang na ipalalabas na next month.

By the way, ang one-on-one interview ni Janice de Belen kay Aga this Sunday sa S Files ay magsisilbing welcome party na rin ng GMA 7 kay Janice as regular host of S Files bilang kapalit ni Lyn Ching na magko-concentrate na lang sa News and Current Affairs.

Nag-construct ng bagong set ang S Files for Janice at the same time celebration na rin ng kanilang 5th year anniversary presentation.

Last week ay naging ma-drama ang last episode with Lyn Ching dahil matagal na rin silang magkasama sa show. Nag-iyakan sila ni Paolo Bediones.
*****

Maging si Rachel Alejandro pala ay may offer na bold film.

Pero ayon sa manager niyang si Girlie Rodis walang plano si Rachel na mag-bare sa pelikula.

"Kaya pa namang kumanta ni Rachel, hindi niya kailangang mag-bold," simpleng react ni Ms. GR.

Show comments