Ayon sa aktor, may pelikula siyang gagawin sa kompanya sa direksyon ni William Mayo na pinamagatang Doble Cara. Nakakontrata sa Regal Films si Jeric pero pinapayagan naman siya ng manager na si Dondon Monteverde na gumawa ng pelikula sa ibang outfit.
Matagal-tagal din bago nasundan ang huling pelikula ng aktor pero naging abala naman ito sa pangangampanya bilang board member ng second district ng Pampanga. Hindi siya pinalad na manalo dahil kahit kilala siya ay kapos naman siya sa pera. "Gumastos ako ng P200,000 para sa campaign materials. Nag-donate pa ako ng uniform para sa basketball players at inaabot ito ng P7,500. Maraming players ang nanghihingi din ng donasyon. Mahirap kumandidato kapag maigsi ang iyong pisi. Pito kaming naglaban pero anim ang milyonaryo. Gayunpaman gusto ko pa ring makapaglingkod sa aking mga kababayan kaya baka pumasok uli ako sa pulitika balang araw. Tutal bata pa naman ako," anang aktor.
Malalaki na ang dalawang anak nito kay Monica Herrera – isang nine at eight year old boys. Dinadalaw naman niya ang mga ito.
May pelikula pang ipalalabas si Jeric titled Pistolero kasama sina Joann Miller at John Apacible bilang kontrabida nito.
Ilan sa mga tinalakay na paksa ay tungkol sa mga trailer na ipinalalabas sa telebisyon at mga pelikula. Dapat na pang-GP ang napapanood sa TV dahil karamihan sa mga manonood dito ay mga bata. Definitely no breast exposure ayon sa magiting na chairman. Sa pelikula naman ay hindi dapat ipakita ang too much sex and violence.
Magkakaroon din ng revision sa implementation ng rules and regulations ng MTRCB. Binigyan din ng pansin ni Chairman Anding Roces ang pagpapalabas ng mas makabuluhang pelikula na nagpapakita ng mayamang kultura ng bansa o mga values. Mas maganda kung mga historical movies ang ipoprodyus nila ayon pa sa chairman.
Ayon pa rin sa MPDAP members ay may sense of humor si Chairman Roces at nadama ang sinseridad niya na kung kinakailangang kausapin siya ng mga prodyusers sakaling nagkaroon o magkakaroon ng problema ang kanilang pelikula ay maaasahan ito para sa isang dialogue. Layunin ng chairman na magkabuklud-buklod ang mga manggagawa ng pelikulang Tagalog para maiangat ang sining at kultura ng bansa.
Pero after the preview ay natuwa sila dahil maganda ang pagkakagawa ni direk Rowell ng Luv Text. Sabi nga nila ay nagmana ito sa talento ng yumaong ama na si Pablo Santiago.