Pyar Mirasol at ang 'Paninda'

Unti-unti na namang gumagalaw ang makinarya ng World Arts Films para sa kanilang contract star na si Pyar Mirasol. Malapit ng ipalabas ang pelikulang Paninda na kung saan magsisilbing launching movie ni Pyar. Matagal-tagal ding pinaghandaan ng World Arts Film producer na si Ms. Jojo Galang ang tungkol sa nasabing pelikula.

Kinunan sa Vigan Ilocos Sur ang naturang pelikula na nagdisplay ng acting ability ng Tondo Girl.

"Bumigay talaga ako dito. Launching movie ko ito at gusto kong kumita at umakit ng taong manonood sa akin," kwento ni Pyar. Ang director ay si Jun Posadas. Dapat sigurong panoorin si Pyar sa pelikulang Paninda para malaman at masaksihan ang mga sinasabi niyang bumigay siya talaga.

Show comments