Abala si Barbara

Puwede nang tumanggap ng ibang project ang seksing si Barbara Milano dahil natapos na niyang gawin ang pelikulang Tikim ng Seiko Films.

Hindi naman nawawala sa sirkulasyon ang byuti ni Barang, dahil abala siya sa marami niyang raket sa probinsiya – fiesta at Santacruzan.

Sa pelikulang Tikim, kasama niya sina Rodel Velayo at nakikitikim din si Leonardo Litton. Direction ni Joey Javier Reyes. Maganda ang presentation ng pelikula, kaya’t hindi kakailanganin ng gunting ng MTRCB. May telesine ding sinalihan si Barbara kamakailan sa Channel 7.

Loveless daw siya ngayon at nag-birthday lang ng simple.

Hindi rin nawawala ang mga intrigang patu-loy na ipinupukol sa kanya. Dedma na lang siya sa mga ito.

Show comments