Pasasalamat ng Moonstar88
June 15, 2001 | 12:00am
Walang kaduda-duda na ang bagong banda sa kasalukuyan na kilala bilang Moonstar88 ay nakapag-iwan na ng tatak sa local music scene. Hindi lang sila naging isa sa mga sought after bands sa ngayon, sila rin ay popular na ngayon dahil sa mainit na pagtanggap sa kanilang debut album na Popcorn na kung saan ang hit single nilang Torete ay kabilang. Ang awiting ito ay naging radio favorite na pumuwesto sa no. 1 sa loob ng tatlong linggo sa DWRX at ito ring awiting ito ang napili bilang theme song para sa romantic movie na Luv Text na pinagbibidahan nila Judy Ann Santos at Wowie de Guzman.
Sa kabila ng kanilang kasikatan, nananatili pa ring nakatapak sa lupa ang mga paa ng Moonstar88. Patunay nito ay mayron silang thanksgiving show na gaganapin ngayong Biyernes ng gabi sa Republic of Malate. Ito ay isang pasasalamat para sa kanilang mga fans na sumuporta sa kanila. Kailangan lang dalhin ang CD o cassette copy ng kanilang Popcorn album na siyang magsisilbing entrance ticket sa nasabing palabas. Ang unang 88 fans na may dalang CD copy ng kanilang album ay makatatanggap din ng libreng t-shirt courtesy of MP3 Manila.Com.
Ang four man band ay kakanta ng kanilang mga awitin mula sa nasabing debut album.
Ang show ay magsisimula sa ganap na alas-diyes ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended