^

PSN Showbiz

Mahilig mangopya sa foreign films

-
Ano naman kaya ang maipupuri mo sa Alas Dose at Carta Alas? Siguro ang effort o tiyaga ng mga producers, directors at mga artista upang mapagbuti ang kanilang trabaho. Pero sa bandang huli, bigo pa rin sila na aliwin ang mga manonood dahil parang luma na ang istorya ng Carta Alas at samantalang parang pinagtagni-tagning mga foreign films ang tema ng Alas Dose.

Kung akting at akting din lamang ang pag-uusapan, hindi na siguro pahuhuli ang mga artistang Pinoy na puwede mo nang isabak kung kay Arnold Schwarzenegger o Sylvester Stallone din lamang. Pero naghahanap na ng ibang elemento ang audience. Hindi basta magaling sa dramatic scenes ang bida at kontrabida ay okey na ang pelikula. Kailangan sabayan din nila ng orihinal o medyo bagu-bagong kuwento at special effects ang movie. Taken for granted nang talagang magaling umarte sina Ace Vergel at Christopher de Leon pero bigyan naman sana sila ng role na hindi hango sa foreign movies.

Ang importante, malakas ba ang mga Alas na ito sa takilya? At most siguro, bawi lamang, di gaanong maraming tao sa mga sinehan nang panoorin ko ang dalawang pelikulang ito. Para pa ngang pinipilit ko ang aking sarili na manood dahil hindi ko naman talaga type ang local action movies. At hindi mo na rin dapat ipagtanong kung malakas o hindi sa box-office ang isang pelikula dahil kung malakas ay balita na agad ito. Kung hindi maingay ang movie, asahan mong hindi gaanong tinangkilik ng madla. Add to the fact pa nga na kasabay ng mga pelikulang ito ang mga Hollywood blockbusters na The Mummy Returns at Pearl Harbor na siyang mga dinudumog ng tao dahil mga big-budget production ang mga ito.

May kasabihan na kung magulo raw ang political situation o social environment, matumal ang action movies dahil mas excited ang mga tao sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran. Ngayon abalang-abala ang lahat sa ubusan ng militar at mga Abu Sayyaf at inaabangan ng lahat ang tungkol sa mga engkuwentro sa Basilan. Ano pa kaya ang magiging interest mo sa isang terorista gaya ng papel ni Boyet sa Alas Dose kung makikita mo ang live coverage ng GMA-7 at ABS-CBN ng mga tunay na kaganapan ng mga teroristang Abu Sayyaf. Ang mabili raw ngayon sa mga manonood ay action-adventure tulad ng The Mummy Returns at ang sex comedy tulad ng mga pelikula ni Rufa Mae Quinto. Ang mga youth-oriented movie daw ay laging may market dahil ang mga kabataan ay hindi nababagabag ng mga political at social upheavals na nangyayari sa kanilang kapaligiran. Basta type nila ang pelikula na kahit pang-matrikula gagastusin para lang makapanood.

Sa pelikulang Alas Dose si Cesar Montano ay gumaganap sa papel na Titus Varona, isang bomb expert na tumutugis sa teroristang si Remo Doce (Christopher de Leon). Kaya Alas Dose ang title ng movie ay dahil siguro hango ito sa pangalan ng kontrabida na ginagawa ang pagpapasabog ng mga sasakyan at mga buildings kung alas-dose ng tanghali o hatinggabi.

Sunshine Cruz
plays the role of a TV journalist na mai-involve sa character ni Cesar sa ending ng pelikula. Isang biyuda si Sunshine dito at mayroon siyang anak na lalake. Ang anak niyang ito ay kikidnapin ni Christopher at palalayain lamang niya ito kapag naisakatuparan ni Sunshine ang lahat ng mga nais ipagawa sa kanya ni Christopher. At ito ay ang pagpapalaya ni Sunshine kay Alejo (Bhen Cervantes) na nasa bilangguan at siyang mentor ni Remo Doce. Kilala si Alejo bilang notorious terrorist noong dekada 70 at bumagsak sa kamay ng batas kaya’t si Christopher ang siyang nagpapatuloy ng kanyang mga gawain ngayon. Ang bale namamahala kasi sa bilangguan kung saan nakapiit si Alejo ay ang ama ni Sunshine kung kaya’t siya ang napili ni Christopher na gawing instrumento.

Si Cesar ang siyang naatasang humawak ng kaso ng nakidnap na anak ni Sunshine kung kaya’t magku-krus ang landas nila ni Christopher na isang mapangahas at matalinong kontrabida at sila ay magtatagisan ng talino at lakas ng loob.

Wala akong first hand experience tungkol sa drugs. Anumang klase ng droga o ipinagbabawal na gamot. Wala pa akong nakikitang tao under the influence of drugs. Puro balita lang, sa kuwento, sa nababasa ko sa diyaryo. Walang drug addict sa aming pamilya, thank God. Pero nang mapanood ko ang pelikulang Traffic, parang naging totoo sa akin ang karanasan ng isang addict dahil sa pagkakaganap ng isang kabataan na kung aakalain mo ay walang problema sa buhay –mariwasa at mahal ng magulang – pero may lihim palang addiction at parang huli na upang ito ay malunasan. Hindi naman bagong tema ang problema ng drugs na isapelikula. Ang dami na ngang beses na ito ay tinalakay sa iba’t-ibang local films pero matindi ang pagsasalarawan ng salot na ito sa pelikulang Traffic, mula sa kataas-taasang antas ng gobyerno hanggang sa mga pulis, pushers, dealers at abusers – sakop ng Traffic – at ang salot na panlipunang ito ng modern world ay parang walang lunas.

Sa pelikulang Traffic, sinusundan ng audience hindi lamang ang epekto ng drugs sa kabataan, kundi pati kung paano nakakalusot sa mga pulis at drug enforcers. Kung sinu-sinong matataas na tao sa lipunan at sa gobyerno ang namumuhunan sa paglaganap ng salot na ito. Ang talagang bottomline ng problema ay pera. Malaki ang kinikita rito ng mga manufacturers, traffickers, pusher at mga crooked politicians at police officers.

Sabi nga sa trailer ng pelikula ay pananggalang lamang sa droga ang pag-ibig. Kailangang sobra ang pagmamahal mo sa taong nalulong sa bisyong ito upang sila ay matulungan dahil ang mga taong under the influence wika nga ay walang kinikilalang katwiran, pamilya, batas o reputasyon.

Palagay ko nga, maraming dapat gawin si Richard Gomez at ang MAD upang masimulan na ang tunay na laban sa droga. Ang Traffic ay isang pelikulang dapat panoorin, pag-isipan at aksyunan.
*****
Email: [email protected]

ALAS

ALAS DOSE

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with