But no matter gaano man kataray si Maricel, ang umaangat ay ang kahusayan niya bilang isang aktres na muling lulutang sa pelikulang Mila, na naging isa nang malaking event. Hindi lamang all out ang promo na ibinibigay dito ng Star Cinema na tinatampukan ng isang essay writing contest at ng malawakang premiere nights na magaganap ng dalawang gabi bago ang regular showing nito. Sa Hunyo 25 ay magkakaroon ito ng isang invitational premiere sa Rockwell Power Plant. Kinabukasan, may simultaneous national regional premiere din ito.
"First time ko na mabigyan ng ganitong klaseng promo," ang may pagmamalaking sabi ni Maricel bagaman at ang nakaraan niyang pelikula sa Star Cinema gaya ng Separada, Abandonada at Soltera ay hindi naman mga maliliit na pelikula.
Ang Mila ang itinuturing ni Maricel na pinaka-most unforgettable role niya sa big screen. Nagawa niyang maipakita ang karakter na ginagampanan niya bilang isang babae na bagaman at hindi nakatanggap ng pagmamahal sa kanyang ina ay nagawang magbigay ng kanyang pagmamahal sa iba, unconditionally.
Sa pelikula, isa siyang guro, hindi matatawag na ordinaryo sapagkat isa rin siyang beaten lover, anak, sidewalk vendor, counselor and friend.
Suportado siya sa pelikula ng isang grupo ng magagaling ding artista. Tulad nina Piolo Pascual, Cherry Pie Picache, Princess Punzalan, Angelica Panganiban, Serena Dalrymple, Kaye Abad, Caridad Sanchez, Eva Darren, Berting Labra, Tony Mabesa, Mel Kimura, Kathleen Hermosa, Don Laurel, Jim Pebanco, Tom Olivar, Mario Magallona, Bea Nicolas, BJ de Jesus, Alfred Labatos, Jiro Manio, Luis Alandy at Nonie Buencamino. Direksyon ni Joel Lamangan.
Light ang role ni Wowie compared sa roles nina Carlo Muñoz, Luis Alandy at Russel C. Mon. Ang lamang siguro niya sa tatlo ay siya ang kapareha ni Juday sa movie. Pero, masasabi kong pinaka-maswerte sa pelikula si Wilma Doesn’t na ang "papa" pala sa hulihan ng movie ay walang iba kundi ang direktor ng movie na si Rowell Santiago. Napaka-guwapo pa rin ni Rowell para i-relegate ang sarili behind the cameras. Sana mabigyan pa siya ng acting roles.
Kita ang efforts ni Rowell na gawing sopistikada si Juday sa pelikula at kahit na pumayat na ito ay mataba pa rin siyang lumabas sa screen. Okay silang magkaibigan ni Wilma pero parang napaka-ingay nila. May ilang elemento ng fantasy sa movie pero tatanggapin na rin ito ng mga manonood who will find the end of the movie kinda cute.