QC celebrates Side A concert

Nag-aanyaya ang Mindave entertainment Corp. sa mga taga-QC na ipagdiwang ang isang ispesyal na gabi kasama ang Side A Band ngayong Huwebes sa Padi’s Mindave sa Mindanao at Congressional Aves.

Makakasama nila ang Escape Band, Traffic Jam at Boco Jam sa groundfloor dining area. Sa buwang ito, mapapanood sa nasabing lugar ang mga top bands ng bansa.

Mayroon ding pakontes para sa "New Singing Superstar". Bukas ito sa mga singers. Sa Mindave Gallery, pwedeng gumawa ng exhibit ang mga artists.

May ginaganap ditong painting exhibit ng siyam na award winning young artists ng Ikalawang palapag. Para sa detalye, tumawag sa 4530080/4144930 to 34 at 925 3117.

Show comments