Mystica nasa 'Ispup' na

Kuwelang "addition" ang novelty performer na sina Mystica at titillating singer na si Selina Sevilla sa Ispup ng ABC-5.

Kung baga sa baraha, ang original cast na sina Willie Nepomuceno, Jon Santos, Candy Pangilinan at Leo Martinez ang apat na alas ng programa samantalang ang controversy-magnet na si Mystica at upcoming comedienne na si Selina naman ang joker.

Definitely ay nangangapa pa sila sa larangan ng impersonasyon. Si Mystica ay markado na sa entablado bilang singer/comedienne na nag-iisplit ng walang kaabug-abog upang manggulat at magpakitang gilas, samantalang si Selina naman, na another sexy-comedienne wannabe, to follow the footsteps of Rufa Mae Quinto ika nga ay ’di naman trying hard sa pagpapatawa.

Wala pa mang nakatokang personalidad na kanilang regular na gagayahin pero they can be an added attraction sa programa.

Catch them every Saturday, 8 pm sa ABC-5.

Show comments