Big break kay Kathleen, kapatid ni Kristine

Sobra ang kasiyahan ng magandang si Kathleen Hermosa dahil sa isang malaking project ay nakatrabaho niya ang Diamond Star na si Maricel Soriano at iba pang magagaling na artista sa pelikulang Mila. At hinawakan agad siya ng isa sa pinakamahusay na direktor ng Philippine cinema na si Joel Lamangan. Sa pelikula ay co-teacher siya ni Maricel. Iisa ang kanilang adhikain, ang makatulong sa kanilang mga istudyante. Ang Mila ay palabas na sa June 27 sa Kamaynilaan.

Kasama rin si Kathleen sa bagong teleserye na Sa Puso Ko Iingatan Ka nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Hinahangad ni Kathleen na mapansin din ang kanyang galing sa pag-arte sa pelikula ng Mila at nasabing teleserye.- Lanie M. Sapitanan

Show comments