Halina, Amorseko

Hindi mapapasubalian ang katotohanan na ang "Halina ng Bayan" na si Halina Perez ang pinakamabango, pinakamainit at pinagkakaguluhan ngayong sexy star.

Siya lang ang namumukod-tanging sex nymphet ang masasabing hindi nawawala sa sirkulasyon. Kung ang iba ay nawalan at ang iba naman ay nagdesisyon na kumawala sa pagpapaseksi, si Halina ay nananatili pa rin at hindi malayong siya na ang tanghaling "Sex Goddess ng Local Cinema."

Hot property na ngang maituturing ang dalaga dahil marami sa mga film outfit ang gustong kunin ang kanyang serbisyo pero nananatili pa rin siyang loyal sa kanyang mother studio–ang Leo Films.

Sa pinakahuling pelikula niya ngayon sa Leo Films, buong husay at ningning niyang ipinamalas ang kanyang kakayahan sa pag-arte. Of course, mawawala ba naman ang maiinit, nakakaaliw at nakakakiliting eksena na sangkap na sa kanyang mga pelikula?

Amorseko, Damong Ligaw
si Halina Perez sa bago niyang pelikula. Ang ‘Amorseko’ ay dumidikit, kumakapit ganoon din si Halina na animo’y nang-aakit.

Show comments