Ang
O Town ay isang banda na binubuo ng limang lalaki (
Ashley Angel, Erik-Michael Estrada, Dan Miller, Trevor Penick at
Jacob Underwood). Sila ang bumubuo ng grupong
O Town na nasa likod ng popular na single na "Liquid Dreams". Ang lima ay nagmula sa bilang na 1,800 na kabataang lalaki na nag-audition para sa grupo. Sa walong napiling finalist na sumailalim sa serye ng vocal lessons, workouts, dance lessons at interviews, napili ang lima na hindi lamang naging magkakaibigan kundi isang tunay na musical group na may star quality.
May bagong single ang grupo, ang "All Or Nothing", isang ballad na umaabot na rin sa kasikatan ng unang single ng grupo.
Pagkaraan ng siyam na buwan, mula nang magsimula sila sa kanilang record deal, nakakahinga na ng maluwag ang
O Town. Hindi lamang sila sikat, isang household name pa rin sila sa buong mundo, salamat sa ispesyal na palabas sa TV, ang
Making The Band (ipinalabas sa
Studio 23) na kung saan ipinakita kung paano sila nabuo.