Ang coronation night ay iho-host nina Donita Rose, Dingdong Dantes at Jans Montenegro. At para maging MTV ang dating, si direk Louie Ignacio ang magdidirehe.
Tampok din sa nasabing coronation ng hit ang Eraserheads, Mulatto, Pido W/ Take One. Sa "evening gown portion", ang mga kandidata ay susuot ng mga "fashion creations" nina Renee Salud, Johnny Abad, Manuel Bondad, Gino Fernando at Richard Papa.
Ang Mutya ng Pilipinas ay handog sa inyo ng Lux Super Rich Shampoo, Close Up, Cream Silk Conditioner and Pond’s Skin Whitening Vitamin Cream. Kabilang sa major sponsors ang Avon Color, Agfa HBC Plus Film, ang Mossimo, Sulu Hotel, ang "official residence" ng Mutya ng Pilipinas.