Ano man ang mangyari, Aga will stand by his wife, Charlene

Ayaw ko na sanang patulan pa ang gulo na nagaganap at nag-ugat sa kasalang Aga/Charlene Muhlach (nee Gonzales) dahil pakiramdam ko ay napaka-cheap ng naging kaganapan. Inaasahan ko na si Aga lamang ang makatatapos ng gulong ito but, unfortunately, nasa kanilang honeymoon ang newly-weds although I doubt kung napapanatag sila sa iniwan nilang kaguluhan.

Nag-escalate na ang simpling hindi pagdaragdag ng dalawang imbitasyon, sa panig ng ama ni Aga, at hindi pagpapadala ng imbitasyon at pagpapakilala kay Charlene sa panig naman ni Amalia Fuentes. Ang hindi ko lamang naman maintindihan ay kung bakit nadamay pa ang manager ni Aga na si Ms. Ethel Ramos at ang kanyang bride. Pampamilya ang away na hindi na kinailangan pang umabot sa labas ng kanilang mga bahay-bahay. They could have easily talked about it by themselves, sorted it out in private. Ngayon, pati ina ni Aga na si Anita ay nasa TV na rin para ipagtanggol ang kanyang anak at pati na ang mga Perezes na nagmamahal kay Charlene, at dahil asawa na siya ni Aga, pati si Aga na rin!

Umabot na rin sila sa korte sapagkat magdi-demanda raw ang manager ni Aga sa mga hindi raw makatarungang pinagsasabi tungkol sa kanya ng ama nito na si Cheng Muhlach. Nagdemanda rin daw si Amalia sa sinabi naman tungkol sa kanya ni Chit Ramos, kapatid ng manager ni Aga, sa national TV.

May nagpapadala na rin at tumatanggap ng death threats at kung mamalas-malasin, baka umabot pa ang gulo sa isang malagim na trahedya.

Si Aga lamang ang ang may kakayahang pumigil sa lahat ng ito. He could have approached his family and told them a thing or two and straightened out things with them. Palagay ko nga, kulang lang sila ng komunikasyon. Hindi na sana niya hinayaang ipagtanggol siya ng mga babaeng tulad ng kanyang ina at ni Gng. Marichu Maceda sapagkat kayang-kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Hindi niya kailangang gawin ito on national TV, pwedeng sila-sila na lamang, sa kabila ng kamera, pero to his credit, he came in defense of his loved ones by saying on TV na hindi siya isang masamang tao at inaalagaan niya ang mga mahal niya. Gusto kong ipakahulugan na hindi niya mahal ang mga nagagalit sa kanya, the people who are causing him all these heartbreaks and heartaches. At kahit na mapatotohanan pa ng kanyang tiyahin ang mga akusasyon nito sa kanyang asawa, he would stand by her. Pinapalakpakan kita ng labis Aga. Maswerte si Charlene na matagpuan ka. At sana totoong maipaglaban mo rin ang manager mo sa pamilya mo na umapi sa kanya. Kapag nangyari ito, makukuha mo ng buo ang aking paggalang hindi lamang bilang isang kliyente ng isang kaibigan kundi bilang isang tao na marunong magbigay ng pagpapahalaga sa mga nagpapahalaga sa kanya, hindi man magkatipo ang kanilang dugo. Kapag nangyari ito, pwede ko nang sabihin hindi ka artista kundi isang mabuting tao, sapagkat sa harap ng kamera ka lamang umaarte, hindi sa tabi ng mga itinuturing mong mga kaibigan. Sana nga, bagaman at bilang isa sa mga maswerteng naimbita nila sa kanilang kasal at bilang isa sa mga kasamahan niya na tumutulong sa mga may kapansanan, sa mga bingi na matagal ng panahon, lubos ang aking kalungkutan sa mga nagaganap. Dahil alam kong pwede itong maiwasan. Kung ang mga pride ay hindi lamang pinanatili sa itaas. At kung ang pamilya niya ay hindi kayang magbaba ng kanilang pride, Aga could easily do it for them, for everybody’s sake. Tutal nakakabata naman siya, siya ang nakakaintindi. At can afford naman siyang maging magnanimous, dahil masaya siya, kumpleto na ang buhay niya, including having the woman that he will share his life with. At mga anak. Marami ang hindi magka-anak pero, siya dalawa agad ang ibinigay ng Diyos.

Mayro’n ka pa bang kailangan, Aga? Peace of mind na lang siguro na ayaw ibigay ng itinuturing mong pamilya mo. But who cares, when the peace and happiness that you need are with Charlene and the babies she carries, nasa ina at mga kapatid mo, nasa mga kaibigan at kamag-anak mo, nasa trabaho mo. Wala ka nang kailangan pa sa buhay. Pero, hinding-hindi kita sisisihin kapag ginusto mo ring makakita ng katahimikan sa piling ng ama mo at mga kapatid niya. Hindi kita sisisihin.

Show comments