^

PSN Showbiz

Piolo, feel din ni Regine

-
Action speaks louder than words. Ganito ang description ng karamihan sa set-up nina Judy Ann Santos and Piolo Pascual during the presscon-cum-press launching ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka last Monday.

Obvious kasing nagi-spark ang mata ni Judy Ann everytime na may magtatanong sa kanya about Piolo lalo na after the presscon although ini-emphasize niya na friends lang talaga sila ng actor. "Actually, okey naman kami. Marami na talagang naghihintay kung ano ang mangyayari. Pero kami na mismo ni Piolo ang nag-usap na kung talagang kami, darating ‘yun. In the end, mari-realize namin pareho ‘yun, kung kami talaga," she says.

Almost everyday sila nagkikita lately dahil sa taping ng bago nilang programa. "Comfortable kami pag magkasama. Hindi kasi siya ‘yung tipo ng plastik na tao. Totoong-totoo siya. Pag pagod siya, pagod siya. Kung mabigat ang katawan niya, mabigat ang katawan niya. Siya rin ‘yung tao na nakasama ko during the time na may problema ako.

"Alam niya rin kung kelan siya magpapatawa. Pag nakikita niyang wala ako sa mood, hinihintay muna niyang mag-iba ang mood ko bago niya ako kausapin. Ganoon din ako. Alam ko na kung kelan siya galit," she informs.

"Saka mas napapansin ko ‘yung mga small things with so much sincerity na ginagawa niya," she says.

Pero sa kabila ng kanilang ideal set-up, may mga pagkakataon na nagtatampuhan din sila. "Nangyayari naman ‘yun kahit kanino. Pero hindi naman nagtatagal pag may arguments kami," she confesses. "Basta masaya kami ngayon sa mga nangyayari at hintayin na lang natin kung ano ang magiging ending."

Ayaw namang i-compare ni Juday si Piolo kay Wowie de Guzman.

Anyway, almost 20 lbs na ang na-lose na weight ni Judy Ann. Less rice, no meats and boxing ang ginawa niya para ma-achieve ang weight niya ngayon. "Actually, hindi na talaga ako nagda-diet kasi tapos na ako sa ganoong sistema. Ang ginagawa ko lang, sinasanay ko ang sarili ko sa konting food intake and then boxing. Since kasi mag-start kami ng shooting (A Girl Boxer), nagbo-boxing na rin ako sa bahay. Malaki ang naitulong no’n kasi aside from the fact na napi-firm ang muscles ko, nari-release ko lahat ng tension at galit ko sa mundo sa boxing."

Tapos na rin ang feud sa pagitan ng mother niyang si Carol Santos at manager niyang si Alfie Lorenzo. "Matagal na silang nag-uusap. Okey na okey na sila," masayang sabi ni Judy Ann.

Wala na rin silang communication ni Mikey Arroyo na balitang masugid niyang manliligaw noon. Ni hindi nga nagkaroon ng chance si Juday na ikampanya si Mikey nang tumakbo itong bise gobernador ng Pampanga. "Sobrang dami ng ginagawa ko no’n kaya hindi talaga ako nakapunta sa kanya," she says.

Anyway, balik soap opera ang young superstar. This time hindi siya isang probinsiyana na inaapi. Very 90’s ang approach ng role niya as Patricia who is not the soap opera martyr. Palaban siya rito - intelligent and able to stand up for herself when necessary but nursing a secret hurt. Patricia also has to deal with the stigma of being illegitimate and the hunger to be loved for who she really is.

Nagawa na kasi niya lahat ng klaseng role sa Judy Ann Drama Anthology at halos maubusan na sila ng idea kaya nag-decide silang magbalik soap opera kung saan siya unang sumikat. Makakapalit ng iniwan niyang Monday slot (right after Kaya Ni Mister Kaya Ni Misis) ang Your Honor starring Richard Gomez and Eric Quizon na nagkaroon din ng press launching last Tuesday.

Ang Your Honor naman ang magbibigay linaw sa mga kaso ng pang-karaniwang tao na hindi nabibigyan ng simple understanding ng nangyayari sa korte dahil sa limitado nilang kaalaman sa batas.

Isa itong weekly drama show na first time in the history of Philippine Television.

Aside from Richard and Eric kasama rin sa Your Honor sina Glydel Mercado, Liza Lorena, Tony Mabesa, Leandro Muñoz, Georgina Sandico, Chinggoy Alonzo, LA Mumar, Sheila Marie Rodriguez, Drinne Aguilar and Malou Crisologo under the direction of Joel Lamangan.

Magsisimula ang kuwento kay Ryan Geronimo (Richard Gomez), isang idealistic young lawyer na gumagawa ng pangalan sa Geronimo, Cordero and Associates, the firm Ryan’s late father founded with Waldy Cordero (Tony Mabesa), isang senior lawyer who hired Ryan straight out of law school para tuparin ang kanyang pangako sa ama ni Ryan na namatay.

Sa Monday magpi-premiere ang dalawang bagong show ng ABS-CBN - Sa Puso, Iingatan Ka at Your Honor.
*****
Given a chance, gustong makasama ni Regine Velasquez si Piolo Pascual sa pelikula. You read it right folks. Pati ang Asia’s Songbird ay feel makatrabaho si Piolo. Actually, hindi lang si Regine ang unang nagsabi nito.

Aside from Piolo, okey din kay Regine na makasama sa movie si Dingdong Dantes or si Jericho Rosales. "Okey lang kung makasama ko sila pero siyempre ‘yung story kailangang ma-justify ang age gap ko sa kanila," nagbibirong sabi ni Regine during the launching ng soundtrack ng movie nila ni Aga Muhlach Pangako...Ikaw Lang with the same title.

Pero kung may project man na gagawin ang Viva Films for her after Pangako..., type niyang maka-partner si Richard Gomez. "Hindi ko pa kasi siya nakakatrabaho so kung puwede, okey ‘yun," she adds.

At any rate, nasa market na ang Pangako...Ikaw Lang (The Album) with the carrier single, "Pangako."
*****
Independence Day (June 12) for several years now has been the Maharlikang Pilipino Pageant night. Ngayong taon ang nationwide search for deserving Filipino young men culminates in a three-hour show sa Centennial Hall ng Manila Hotel, 8:00 p.m.

Now on its 8th year, ang MP Pageant - produced by Greg Mil Palacio ay may 12 major awardees and 27 special awards including MP Mr. Axe and Mr. Close Up.

Umabot sa 200 aspirants bago nakapili ang MP organizers ng 35 official candidates.

On stage, they will wear casuals, swimwear creations of Nante Robles and barong collections of Bert Balingit, Ramon Sepositario, Boying Eustaquio, Jose Nepomuceno, Chito Sanchez, Fhel Hangod, Noe Reyes, Ronaldo Arnaldo and David Anorma.

The candidates are: Mark Anthony Castillo, Aries delos Reyes, Jeremy Sebastian, Kirby Colis, Wilmer Tagguez Jr., Jhim Tarrosa, Jon Eupena, Joseph Allan Salas, Marvin Estrella, Dick Garcia, Michael Insa.

Donald Mendoza, Christopher Pineda, Ryan Bilon, Ricky Boy dela Rea, Jason Hernandez, Edward Paez, Alex Gupo, Nestor dela Rosa, Joel Paredes, Jay Villanueva, Jeffrey Martinez, Rey Martinez, Jack Ferreras, Joselito Reyes, Edwin Lumba
and Christian Manalili.

Organized in 1993, the MP tilt was established for a single goal: to prove that personality contests can be fair, honest and above reproach if organizers want them to be. Ito rin ang nag-iisang contest na pina-publish ang individual points ng lahat ng candidates base sa score sheets ng mga judges.

KUNG

NIYA

PIOLO

SIYA

YOUR HONOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with