Ina at kapatid ni Aga, nagsalita na
June 2, 2001 | 12:00am
Nagsalita na si Arlene Muhlach, eldest sister ni Aga Muhlach sa nangyayari na litong-lito tulad ng isa pa nilang kapatid na si Albert.
Ayon sa isang source, hindi alam ng magkapatid kung bakit may mga ganitong nangyayari as in panay ang pagpapa-interview ni Amalia Fuentes- tungkol kay Aga sa panahong dapat ay masaya silang lahat dahil ang matagal nang pinakaaasam-asam ni Aga na mag-asawa ay natupad na.
Ayon kay Arlene si Aga ang pinaka-mabait sa kanilang magka-kapatid. In fact, kahit kailan daw ay hindi napalo si Aga ng mommy nilang si Anita Aquino noong kanilang kabataan. Hindi raw kasi matigas ang ulo nito, di tulad ng kapatid nilang si Albert, sabi pa ni Arlene.
Arlene also admitted na sila sa kanilang pamilya ang pinakamahirap. Hanggang naghiwalay nga ang kanilang parents at sa kanilang ina sila tumira.
Si Anita for her part, revealed in a previous interview na binuhay niya ang kanyang tatlong anak sa pamamagitan ng pagtitipid sa kung anumang sustento ang ibinibigay sa kanila ng ama ng tatlo niyang anak. Kaya nga raw mahilig ang tatlo sa lugaw ay dahil halos lugaw ang ipinakakain niya sa mga ito noong bata sila Arlene, Albert at Aga. "Bibili ako ng malagkit na bigas. Ilalagay ko ito sa malaking palayok. Pupunuin ko ng tubig. Sabay buhos ng maliliit na balat na kinuha ko sa ulo ng manok. Mura kasi ang ulo ng manok dahil wala na halos bumibili nito.
"Kung minsan, lugaw ang almusal at hapunan nilang tatlo. Pero masaya sila. Ang puwede lang ituring na kapritso nila ay ang matulog ng may air condition. Kaya kahit wala akong maibayad sa kuryente, sinisiguro kong naka-air con sila kapag natutulog," she recalls.
Sabi naman ni Arlene, "Noong nag-a-artista na kami ni Morning (tawag niya kay Aga), we made a pact with Albert na kung sinuman sa aming tatlo ang susuwertihin, patitikman niya ng ginhawahang kanyang tinatamasa ang kanyang mga magulang at kapatid.
"Napakabait ni Aga. He made sure when he started making money, ipinatikim niya sa amin ang comfort at luxury na kanyang tinatamasa. Wala kaming hiniling sa kanya, basta rin lang kaya niya, ibinibigay niya sa amin.
"Bilang ganti sa kanyang kabutihan, we made sure that we are at his back and call. Idinadalangin din namin na makatagpo siya ng babaing pakakasalan niya. Isang babaing mamahalin at ipagmamalaki niya.
"Kay Charlene, wala talaga kaming masabi. Kilala na namin siya hindi pa man pumasok sa isip ni Aga na siya ang babaing pakakasalan.
"Kaya, when finally sinabi ni Morning na siya na nga ang babaing pakakasalan niya, we were not only happy for Morning but for ourselves, too.
"Balita ko nga, umiyak si Albert nang unang ibalita sa kanya ni Morning na pakakasalan niya si Charlene. We welcome her to the family with open arms.
"Alam naming mamahalin niya si Morning, tulad ng pagmamahal na iniukol namin kay Morning," mahabang kuwento ni Arlene.
Speaking of Aga, naniniwala si Regine Velasquez na hindi maaapektuhan ang movie nila ni Aga - Pangako... Ikaw Lang matapos ang kasalang Aga-Charlene Gonzales sa Baguio last Monday. "I doubt it. Kasi nandoon naman ‘yung chemistry namin ni Aga, hindi naman ‘yun mawawala kahit nag-asawa na siya," she says sa presscon-cum-launching ng soundtrack ng nasabing movie last Wednesday sa UFO Planet Rock.
Anyway, very thankful si Regine kay Atty. Michael Gurfinkel (present during the album launching) na naglakad ng papeles niya para makapag-travel uli sa US matapos siyang ma-involve sa human smuggling case. By next month ay papunta siya ng LA and New York para sa presscon doon at next year na siya magko-concert tour sa US.
Pangako... Ikaw Lang can be described as an album that has blend of lyric driven and theme oriented qualities. Of course, carrier single ang Pangako..., a love ballad that talks about the steadfast love of a woman towards a person who is not necessarily her lover.
May duet sana sila ni Aga sa album pero hindi kinaya ng schedule ng actor dahil nga sa preparation ng kasal nila ni Charlene. "Okey lang ‘yun. Sila kasi mismo ang nag-aasikaso sa kasal kaya okey lang talaga," she says.
Pero naka-duet naman niya sa album si Robert Arevalo na father niya sa pelikula - "Someone to Watch Over Me." Very Frank Sinatra ang dating ni Mr. Arevalo sa nasabing song.
Regine’s brother-in-law, Raul Mitra reunites with Asia’s Songbird in this album bilang co-producer. He also appears in this album in the love ballad "Now That We’re Closer."
Other songs include "Itutuloy," "Kailan Pa Man," "Sana Nga" and a remake of the Eraserheads’ "With A Smile."
At any rate, out na sa market ang Pangako... Ikaw Lang (The Album) distributed by Viva Records.
May follow-up movie na si Isabel Granada after the huge success of Halik Ng Sirena - ang Masikip Na Ang Mundo Mo Labrador starring Lito Lapid under Regal Entertainment.
"This is one rare opportunity and a very valuable one. Lito Lapid is a major box-office force to reckon with.
Kaya ‘yung makasama lang siya sa pelikula, malaking accomplishment na. Sana nga magtuloy-tuloy na ang ganitong breakthrough.
Thankful din ako sa Regal for giving such recognition sa mga matagal ko nang pinagsikapan as an actress. After my Sirena, ito na ang biggest break na nakuha ko," she says sa isang press statement.
In Masikip..., Isabel plays a barrio lass who falls for the crusading Lito L.
Aside from Lito and Isabel, the movie also stars, Ricardo Cepeda, John Apacible and Roy Alvarez under the direction of Baldo Marro. Masikip Na Ang Mundo Mo Labrador is set to kick off on June 6.
Hindi mago-off-the-air ang Kasangga. Ito ang sinabi ni Andrea Tan ng Kasangga sa Baby Talk matapos lumabas dito na sandali na lang ang itatagal ng programa sa ere.
"Hindi totoo ‘yun. In fact, nagri-research na kami ng mga bagong episodes. Nasa Dumaguete ang mga writers namin para sa mga gagawin naming episodes," she says over the phone.
May lumabas kasing item dito na mawawala na ang programa dahil ayaw ng bagong management ng GMA na ma-identify ang mga artistang hindi pinalad na manalo sa election. "No may assurance kami na hindi mawawala ang programa," she adds.
"Ang Idol Ko..., nagti-taping pa rin sila," Andrea adds dahil kasama ang Idol Ko Si Kap sa sinasabing mawawala sa ere.
Besides, mataas daw ang rating ng Kasangga kaya hindi ito puwedeng mawala sa ere.
Finally, nagsalita na si Aiko Melendez sa paghihiwalay nila ni Jomari Yllana sa TV Patrol. May third party involve sa kanilang separation na sinasabing si Ara Mina.
Bago pa man ang election ay usap-usapan na ang paghihiwalay nila. Pero hindi agad inamin ni Aiko dahil baka nga naman makaapekto sa kanyang kandidatura.
Ayon sa isang source, hindi alam ng magkapatid kung bakit may mga ganitong nangyayari as in panay ang pagpapa-interview ni Amalia Fuentes- tungkol kay Aga sa panahong dapat ay masaya silang lahat dahil ang matagal nang pinakaaasam-asam ni Aga na mag-asawa ay natupad na.
Ayon kay Arlene si Aga ang pinaka-mabait sa kanilang magka-kapatid. In fact, kahit kailan daw ay hindi napalo si Aga ng mommy nilang si Anita Aquino noong kanilang kabataan. Hindi raw kasi matigas ang ulo nito, di tulad ng kapatid nilang si Albert, sabi pa ni Arlene.
Arlene also admitted na sila sa kanilang pamilya ang pinakamahirap. Hanggang naghiwalay nga ang kanilang parents at sa kanilang ina sila tumira.
Si Anita for her part, revealed in a previous interview na binuhay niya ang kanyang tatlong anak sa pamamagitan ng pagtitipid sa kung anumang sustento ang ibinibigay sa kanila ng ama ng tatlo niyang anak. Kaya nga raw mahilig ang tatlo sa lugaw ay dahil halos lugaw ang ipinakakain niya sa mga ito noong bata sila Arlene, Albert at Aga. "Bibili ako ng malagkit na bigas. Ilalagay ko ito sa malaking palayok. Pupunuin ko ng tubig. Sabay buhos ng maliliit na balat na kinuha ko sa ulo ng manok. Mura kasi ang ulo ng manok dahil wala na halos bumibili nito.
"Kung minsan, lugaw ang almusal at hapunan nilang tatlo. Pero masaya sila. Ang puwede lang ituring na kapritso nila ay ang matulog ng may air condition. Kaya kahit wala akong maibayad sa kuryente, sinisiguro kong naka-air con sila kapag natutulog," she recalls.
Sabi naman ni Arlene, "Noong nag-a-artista na kami ni Morning (tawag niya kay Aga), we made a pact with Albert na kung sinuman sa aming tatlo ang susuwertihin, patitikman niya ng ginhawahang kanyang tinatamasa ang kanyang mga magulang at kapatid.
"Napakabait ni Aga. He made sure when he started making money, ipinatikim niya sa amin ang comfort at luxury na kanyang tinatamasa. Wala kaming hiniling sa kanya, basta rin lang kaya niya, ibinibigay niya sa amin.
"Bilang ganti sa kanyang kabutihan, we made sure that we are at his back and call. Idinadalangin din namin na makatagpo siya ng babaing pakakasalan niya. Isang babaing mamahalin at ipagmamalaki niya.
"Kay Charlene, wala talaga kaming masabi. Kilala na namin siya hindi pa man pumasok sa isip ni Aga na siya ang babaing pakakasalan.
"Kaya, when finally sinabi ni Morning na siya na nga ang babaing pakakasalan niya, we were not only happy for Morning but for ourselves, too.
"Balita ko nga, umiyak si Albert nang unang ibalita sa kanya ni Morning na pakakasalan niya si Charlene. We welcome her to the family with open arms.
"Alam naming mamahalin niya si Morning, tulad ng pagmamahal na iniukol namin kay Morning," mahabang kuwento ni Arlene.
Anyway, very thankful si Regine kay Atty. Michael Gurfinkel (present during the album launching) na naglakad ng papeles niya para makapag-travel uli sa US matapos siyang ma-involve sa human smuggling case. By next month ay papunta siya ng LA and New York para sa presscon doon at next year na siya magko-concert tour sa US.
Pangako... Ikaw Lang can be described as an album that has blend of lyric driven and theme oriented qualities. Of course, carrier single ang Pangako..., a love ballad that talks about the steadfast love of a woman towards a person who is not necessarily her lover.
May duet sana sila ni Aga sa album pero hindi kinaya ng schedule ng actor dahil nga sa preparation ng kasal nila ni Charlene. "Okey lang ‘yun. Sila kasi mismo ang nag-aasikaso sa kasal kaya okey lang talaga," she says.
Pero naka-duet naman niya sa album si Robert Arevalo na father niya sa pelikula - "Someone to Watch Over Me." Very Frank Sinatra ang dating ni Mr. Arevalo sa nasabing song.
Regine’s brother-in-law, Raul Mitra reunites with Asia’s Songbird in this album bilang co-producer. He also appears in this album in the love ballad "Now That We’re Closer."
Other songs include "Itutuloy," "Kailan Pa Man," "Sana Nga" and a remake of the Eraserheads’ "With A Smile."
At any rate, out na sa market ang Pangako... Ikaw Lang (The Album) distributed by Viva Records.
"This is one rare opportunity and a very valuable one. Lito Lapid is a major box-office force to reckon with.
Kaya ‘yung makasama lang siya sa pelikula, malaking accomplishment na. Sana nga magtuloy-tuloy na ang ganitong breakthrough.
Thankful din ako sa Regal for giving such recognition sa mga matagal ko nang pinagsikapan as an actress. After my Sirena, ito na ang biggest break na nakuha ko," she says sa isang press statement.
In Masikip..., Isabel plays a barrio lass who falls for the crusading Lito L.
Aside from Lito and Isabel, the movie also stars, Ricardo Cepeda, John Apacible and Roy Alvarez under the direction of Baldo Marro. Masikip Na Ang Mundo Mo Labrador is set to kick off on June 6.
"Hindi totoo ‘yun. In fact, nagri-research na kami ng mga bagong episodes. Nasa Dumaguete ang mga writers namin para sa mga gagawin naming episodes," she says over the phone.
May lumabas kasing item dito na mawawala na ang programa dahil ayaw ng bagong management ng GMA na ma-identify ang mga artistang hindi pinalad na manalo sa election. "No may assurance kami na hindi mawawala ang programa," she adds.
"Ang Idol Ko..., nagti-taping pa rin sila," Andrea adds dahil kasama ang Idol Ko Si Kap sa sinasabing mawawala sa ere.
Besides, mataas daw ang rating ng Kasangga kaya hindi ito puwedeng mawala sa ere.
Bago pa man ang election ay usap-usapan na ang paghihiwalay nila. Pero hindi agad inamin ni Aiko dahil baka nga naman makaapekto sa kanyang kandidatura.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended