Diether, iniwan na ng milya-milya ang mga kalaban
June 1, 2001 | 12:00am
Star-studded ang soap operang Recuerdo de Amor ng ABS-CBN Channel 2 na napapanood Monday thru Friday after Magandang Tanghali Bayan. Kabilang sa cast nito ang mga naglalakihang pangalan nina Isabel Rivas, Dante Rivero, Pinky de Leon, Carmina Villaroel, Carlos Morales, Angel Aquino at ang mga promising performers na sina Dimples Romana, Baron Geisler, Tin Arnaldo at marami pang iba.
Pero nakatuon ang pansin ngayon ng mga tao sa bida ng Recuerdo na si Diether Ocampo. Malaki rin ang expectations ng Talent Center at ng ABS-CBN sa kanya. Hindi ba siya nape-pressure sa ganitong sitwasyon?
"Aaminin ko, medyo mahirap on my part kasi nga, may mga expectations sila sa akin pero ginagawa ko naman ’yung sa tingin ko eh mabuti. I always give my best. Nakikita naman nila ’yon.
"Yung focus ko sa trabaho ko, eh mas dinoble ko pa. Pinipilit ko rin na palaging maging handa every taping. Alam kong puro mga beterano ang kaeksena ko kaya dapat prepared ako. Ayoko rin namang mapahiya sa kanila," sabi ni Diether.
Ayaw mag-react ni Diether sa balitang mas malayo na ang narating niya kumpara sa ibang mga Talent Center artists na kapanabayan niya. Ang pagkakaroon na lang niya ng isang soap opera ang malaking patunay nito.
"Lahat naman kami ay may kani-kanyang time. I’m sure, happy rin naman sila para sa akin," sabi agad niya. "At saka, hindi ko naman iniisip na mas ahead ako o mas malayo na ’yung narating ko kesa sa kanila. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko.
"Yung iba sa kanila, meron din namang mga projects. Hindi lang naman sa akin nakatuon ang concentration ng Talent Center. Nagkataon lang siguro na nauna akong bigyan ng ganitong soap opera, pero tiyak, darating din ’yung time na sila naman," sabi ulit niya.
Marami na rin ang nakapansin ng unti-unting pagma-mature ng acting ni Diether sa Recuerdo. Paano ba niya nai-improve ang kanyang pagganap?
"Sa tagal ko na rin namang gumagalaw sa mga soap opera, siguro naman, marami na rin akong natutunan. Ganun lang, ina-apply ko lang ’yung mga nalaman ko sa Mula sa Puso at Saan Ka Man Naroroon. At saka lahat naman sila very supportive sa akin. ’Yung mga veteran actors, inaalalayan nila ako pag meron kaming mga eksena.
"So far, I’m very happy talaga. ’Yung rating naman is also doing well, at ang wish ko, sana magustuhan pa lalo ng mga televiewers ang Recuerdo de Amor," ends Diether. (Ulat ni Leo Bukas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended