Para sa isang baguhan sa local music scene, nakapagtataka na marami agad na kaibigan si Chelo, mga artista na naniniwala at nagi-endorso sa kanya. Ang mga artista ring ito ang mga kinuha nila ng kanyang mga magulang sa ilalim ng kanilang Chelvan Productions para mag-show sa US. Ilan sa kanila ay sina Sharon, Gary V., Ara Mina, Vina Morales, Randy Santiago, Aiai delas Alas, at Rosanna Roces.
Ang "Chelo... Nice To Be With You" ay inilunsad kamakailan sa Virgin Cafe na kung saan nagpakitang gilas si Chelo ng kanyang talino hindi lamang sa pag-awit kundi maging sa pagsasayaw. Ang album niya ay ipamamahagi locally ng Ivory Records.
Ito ay istorya ng dalawang pamilya nung World War ll na naharap sa matinding takot sa kamatayan mula sa kamay ng mga Aleman kaya nagtago sila sa isang warehouse sa loob ng dalawang taon. Kuwento rin ito ng isang batang babae na nagsimulang mamulat sa kamunduhan.
Naghahanap ang produksyon ng mga lalaki at babae, 15-23 taong gulang para gumanap ng lead roles at 25-45 para sa secondary roles. Dapat ay fluent sa wikang Ingles.
Para sa mga interesado, magsadya sa Paragon Office para sa audition. Matatagpuan ito sa 3Flr. Chemphil Bldg. #851 Arnaiz Ave., Makati. Magdala ng resume at photo.
Ang The Diary of Anne Frank ay magsisimula ngayong Hulyo hanggang Setyembre sa direksyon ni Francis Villacorta na ang huling dinirek ay ang Juan Luna na ginampanan ni Lawrence David sa CCP. Si Bobby Nazareno ang producer.
Para sa detalye, makipag-ugnayan kay Eric Beja sa 8100811 o mag-text sa 0917-441-8967 at 09176136334.
First time na gumawa ang grupo ng isang kanta para sa isang pelikula. Dati ay madalas lamang napipili ng mga producers ang kanilang songs para magamit sa pelikula. Pero, ngayon ay talagang inatasan silang sumulat ng kanta para gawing theme song ng isang malaking pelikula.
No less than the director of the movie, Joyce Bernal, ang tumutok sa shooting ng music video.
Sa music video, matutunghayan ang resulta ng 5-month training ni Binoe para matutunan ang tamang galaw ng isang pro boxer. Ito ang isa sa ginawang paghahanda ni Binoe para sa kanyang rocky-inspired movie.
Ang launching ng "Alab Ng Puso" ay hudyat din sa pagpasok ng grupong Rivermaya sa Viva Music Group family. P100 lamang ang halaga ng CD sa lahat ng record bars.
Nasa direksyon ni Joel Lamangan ang Mila. Ibinabalik niya sa pelikula si Maricel bilang Mila Cabangon and at her acting best.
Kasama rin sa Mila sina Piolo Pascual na minahal ni Mila; Cherry Pie Picache at Kaye Abad bilang mga prostitute na tinangka niyang bigyan ng edukasyon kahit na sa ilalim ng mga puno sa Ermita; Angelica Panganiban, ang kabataan na iniligtas ni Mila na maging prostitute; Jiro Manio bilang isang juvenile delinquent; Serena Dalrymple, Tony Mabesqa, Mel Kimura, Nonie Buencamino, Berting Labra at Caridad Sanchez.