Mahal na mahal ng bagets na aktor ang babae na mas may edad sa kanya. Ito’y nabibilang sa maya-mang pamilya at ma-galing sa kama.
Tentatively titled Pepay, makakapareha ng singer-actress sina Leandro Muñoz at ang baguhang si Rafael Rosell.
Matagal-tagal din bago nasundan ang huling pelikula ni Jolens pero sulit naman ang kanyang paghihintay dahil bonggang pelikula ang ibibigay sa kanya ng Star Cinema.
Sa unang pagkakataon ay sa movie ni Jolens gagamitin yung kabibiling hi-tech na kamera na ginamit sa Gladiator at Notting Hill.
Maraming effects ang gagamitin sa movie. First time rin niyang makakapareha si Leandro. May mga balak noon na pagsa-mahin sila sa pelikula pero hindi matuluy-tuloy. Magiging kontra-bida ni Jolens si Mystica kung saan naaaliw siya sa singer. Baka sa September ipalalabas ang Pepay sa direksyon ni Wenn Deramas.
Bukod sa pagiging succesful businesswoman ay isa rin ito ngayon sa well-linked showbiz personalities.
Magkasama sila ngayon ni Ricky Reyes sa programang Beauty Plus kung saan magkakaroon siya ng sariling segment na pinamagatang "Women at Work."
Ang bahaging ito ay nagpapakita ng mga masisipag at matagumpay na kababaihan na pwedeng gawing magandang halimbawa sa iba pang kababaihan para maging produktibo at business-minded individuals.
Ang Beauty Plus ay mapapanood tuwing Linggo mula 11:00 hanggang 12 noon sa RPN 9.
"Malaki ang naitutulong ni Mystica sa pamilya at nang mag-live-in sila ay nadagdagan pa ang bilang ng mga tao sa kanilang pamamahay. Labis itong minahal ni Mystica kung saan pati mga taong tumutulong sa kanyang career ay pinakialaman pa nito.
Over protective siya sa singer at sobrang seloso. "Kapag nag-aaway sila ay grabe talaga," anang source.
Isa rin sa ugat ng pinag-awayan ng dalawa ay ang press release na nagsabing si Mystica ang bumili o nagbigay ng kotse kay Allan.
Feeling ng dating ka-live-in ay bumaba ang kanyang pagkatao dahil sa babae pa ang nagbibigay sa kanyan ng sasakyan.
Sa nangyaring ito ay baka magtanda na si Mystica at magiging maingat na sa pagpili ng tamang lalaking makakarelasyon.
Bilang president-elect ng Soroptimist International Dasma-Salcedo Chapter ay natutuwa ako sa pagkakapanalo ni Richard Gomez ng MAD. Isa sa aking proyekto ay tungkol sa drug abuse prevention program kung saan balak naming imbitahin na speaker si Richard. Nakausap ko na siya before the election at payag si Goma na maging speaker sa aming adopted school sa Las Piñas. Sa pakikipagtulungan kay Mayor Aguilar.
Bago lumuwas ng Maynila ay dumalaw kami sa Canossa House of Spirituality sa Aguinaldo Highway sa Tagaytay. Napag-alaman namin na pwede silang mag-conduct aside from Retreat ng individual counseling with the sisters. Dumalaw din kami sa Pink Sisters Prayer House kung saan damang-dama namin ang kapayapaan sa aming puso gayundin ng mga kasamahang sina Aida Tieng, Cora Quintans at Linda Thurkelsen.