^

PSN Showbiz

Russel C. Mon, Close Up Boy

-
Isa siya sa pinakapamilyar na mukha ngayon sa telebisyon. Sa loob ng isang taon ay nakagawa ng siyam na TV commercials ang baguhan na si Russel C. Mon. Pinanganak sa Olongapo City on June 11, 1980 at lumaki sa Sorsogon City, dating naglalaro bilang point guard si Russel para sa Letran Squires. Nadiskubre ng Letran College ang husay niya sa laro ng basketball noong mapanood siya sa Palarong Pambansa na ginanap sa Bicol.

"Magsi-17 pa lang ako noong madiskubre ako sa Letran at inimbitahan para maglaro sa kanilang varsity team. Naglaro ako sa NCAA for one season at doon din ang time na may nagpasok sa akin sa paggawa ng commercials."

Ayon sa kanyang manager na si Alberto Baligod (ng Imaj Modeling and Casting Motive), inabot ng isang taon ang pagkumbinse niya kay Russel na pasukin ang pagiging commercial model. Hindi naman nagtagal at naging sunud-sunod ang paggawa nito ng TV commercials tulad ng Ford Lynx, Pop Cola, Close-Up, Shark Energy Drink, Downy, Globe, Rebisco, STI at isang political ad para sa senatorial candidate Juan Ponce Enrile.

Sa lahat ng ginawa na niyang commercials ay pinakagusto niya ay ang Close Up. Alam niya kasi na ang mga lalaking gumawa ng naturang commercial ay nagiging artista sa pelikula tulad nga nina Gabby Concepcion, Tonton Gutierrez, Robin da Roza, Matthew Mendoza, Patrick dela Rosa at iba pa.

"Hindi ko naman akalain na mapapaaga ang pagpasok ko sa showbis. Exciting nga at marami akong natutunan."

Introducing nga si Russel sa romantic-comedy na Luv Text sa ilalim ng Maverick Films kung saan kasama niya sina Judy Ann Santos, Wowie de Guzman, Luis Alandy, Carlo Muñoz at Wilma Doesnt. Si Wilma Doesnt nga raw ang nag-recommend sa kanya kay Direk Rowell Santiago noong kasalukuyang naghahanap sila ng puwedeng gumanap sa papel na Ivan.

"Nakaka-tense ang first shooting day ko kasi wala naman akong alam sa pag-arte maliban sa paggawa ng commercials. Pero very supportive sina Direk Rowell at Judy Ann. Masarap silang katrabaho kasi magagaling sila."

Magiging semi-regular ng dalawang TV shows ng GMA-7 si Russel para na rin sa promotion ng kanyang unang pelikula. Kapag hindi siya busy, umuuwi siya sa kanyang probinsya sa Sorsogon.

Pangarap ni Russel na magtayo ng isang bar and restaurant sa kanilang probinsiya sa Bicol.

ALBERTO BALIGOD

BICOL

CARLO MU

CLOSE UP

DIREK ROWELL

FORD LYNX

GABBY CONCEPCION

IMAJ MODELING AND CASTING MOTIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with