Nakabawi naman ang kompanya dahil maganda ang kinalabasan ng komersyal. Mataas din ang sales ng iniindorsong underwear brand ng ST actres.
Ang aktres ay naging pambatong ST actress ng isang major company noon pero ngayon ay freelancer na. Nagsimula din ito sa isang malaganap na afternoon show bago naging sikat na seksing aktres. Visible pa rin siya sa pelikula at telebisyon.
Maganda ang working relationship ng dalawa at wala nang ginawa ang nanonood sa syuting nila kundi tumawa nang tumawa dahil sa mga nakatutuwang eksena nina Yam, Niño at Ervie. Gagampanan ni Onin ang papel na driver ng mayamang magkapatid na sina Yam at Patrick.
"Masarap kasama si Onin dahil lagi siyang nagpapatawa. Mabait rin siya sa amin at nagsisilbing big brother ko. Lagi siyang may nakalaang pangaral sa akin. Malaki ang ipinagbago niya sapul nang mag-asawa," anang actress-singer.
Sinabi naman ni Onin na mabait din si Yam at magaling pang umarte bukod pa sa pag-awit.
Ganito rin ang nangyari noon kay Vanessa del Bianco na alagang-alaga ng ABS-CBN dahil nakikitang may potensyal sa pag-arte.
Pero nagkaroon ito ng intriga nang ma-link na diumano’y kerida ni John Estrada.
Ngayon naman ay natsitsismis din si Janette kay Mo Twister na may anak kay Bunny Paras.
Malaki rin ang pagkakataon niyang (Janette) matukso kaya dapat ay iwasan muna ni Janette ang pag-ibig at mag-concentrate muna sa kanyang career ang magandang balikbayan.
Ayon sa aktres ay magpapa-breast feed siya dahil naniniwala siya na mas malakas ang bonding ng mag-ina kung manggagaling sa ina ang gatas ng bata.
Marami siyang offer ngayon para lumabas sa telebisyon pero tinatanggihan niya. Babalik pa rin siya sa showbis kapag malaki-laki na ang baby dahil payag naman si Cesar Montano na lumabas pa rin siya sa pelikula.
Nakahanda na ang pangalang ibibigay nila kung magiging baby boy - Jacob. Wala pa silang nakahandang pangalan sakaling maging babae ito. Hindi pa siya nagpapa-ultra sound kaya hindi pa alam kung babae o lalaki ang kanilang panganay na anak.
Nakatakdang magsilang si Sunshine sa September na anibersaryo rin ng kanilang kasal.
Ang Freshmen Band ay binubuo ng lead guitarist na si Edward dela Cruz, bass/ guitarist, Jerome Raymundo, keyboardist, Jayson Caimol, drummer, Daziel Ledda at vocalists na sina Roel Aldana at Walton Zerrudo.
Naghahanap ngayon ang grupo ng bagong mga miyembro - 18 to 22, guwapo at marunong tumugtog ng gitara, keyboards, drums at magaling ding kumanta.
Para sa detalye, tumawag sa 283-33-73 at hanapin si Ernie.