D Day!, titigbakin na!
May 26, 2001 | 12:00am
Ngayong araw official na magi-start ang three day celebration for Aga Muhlach and Charlene Gonzales’ wedding on Monday, May 28, 3:00 p.m. sa St. Joseph the Worker Church, Pacdal sa Baguio City.
Narito ang complete schedule of activities:
Saturday, 26th of May
10:00 am - Tee-off for all golf enthusiasts Camp John Hay Golf Course Sunday, 27th of May
3:00 pm - Sunday Mass, Camp John Hay Clubhouse
5:00 pm - Welcome cocktails - just across the clubhouse. Time to mix and mingle with the other guests in a more casual setting
Monday, 28th of May
3:00 pm - Nuptial Mass and Weddding Ceremony
5:00 pm - Cocktails and Dinner reception Clubhouse, Camp John Hay
Anyway, kakanta rin si Regine Velasquez sa kasal nina Aga.
There was a time na na-link sina Aga at Regine - nang magsama sila sa mega-hit na Dahil May Isang Ikaw. In fact, inamin pa ni Aga na totoong nag-attempt siyang manligaw kay Regine noon pero hindi nga natuloy.
Alam naman ni Charlene ang lahat according to Aga at after the wedding nga ay ipalalabas ang follow-up movie nila ni Regine na Pangako: Ikaw Lang.
Ka-cheapan ang balitang preggy si Charlene kaya pakakasalan siya ni Aga. Hindi alam ng ilang kaibigan ni Aga kung bakit may ganitong balita.
Feeling ko, isa lang ito sa mga paninira ng ilang taong hindi nabigyan ng invitation sa kanilang kasal sa Baguio this Monday.
Sana naman ay maintindihan ng iba na hindi lahat ay puwedeng ma-invite. Very tight din ang security dahil darating si President Gloria Macapagal Arroyo.
Anyway, tonight kami aalis papunta ng Baguio. Of course excited din kaming ma-witness ang kasal ng dalawa na parehong alaga ni Ms. Ethel Ramos.
Confirmed na titigbakin na ng GMA 7 ang D Day! ni Dina Bonnevie. Ayon sa isang source ng Baby Talk, nag-decide na ang management na tapusin ang show - D Day! dahil matagal-tagal na rin daw naman ito sa ere pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagri-rate.
Wala pa raw sinasabi ang GMA kung anong show ang ipapalit dito.
Aside from D Day! kasama ring mawawala ang Kasangga ni Rudy Fernandez at Idol Ko si Kap ni Bong Revilla ayon pa sa source ni Baby Talk. Kasama raw ito sa mga changes na mangyayari sa pagpasok ng bagong management ng GMA sa pamumuno ni Manny Pangilinan.
Mahihirapan na rin daw makabalik sa GMA si Phillip Salvador pagkatapos niya ring matalo sa katatapos na election.
Ayaw raw ma-identify ng GMA sa mga artistang hindi pinalad na manalo sa election.
Makakabalik pa naman daw si Bong sa Idol Ko si Kap at si Rudy Fernandez sa Kasangga, pero hindi magtatagal ay tatapusin na rin.
Well, very sad na marinig ang ganitong balita - natalo ka na nga, mawawalan ka pa ng TV show.
Pero in a way, okey na rin siguro ‘yun at least makakapag-concentrate sila sa paggawa ng pelikula para naman mabalik ang sigla ng pelikulang Pilipino. Baka sila lang ang hinihintay para kumita uli ang mga pelikulang Tagalog.
Very depressed daw si Jessa Zaragoza sa pagkatalo ng asawa niyang si Dingdong Avanzado. Bukod daw kasi sa hirap at pagod ng pangangampanya, gumastos pa raw si Jessa ng sariling pera sa kandidatura ng kanyang asawa.
Buong akala raw ni Jessa ay mananalo si Dingdong kaya hindi na rin sila gaanong nangampanya. Pero sad to say hindi na ganoon kababaw ang mga botante - alam na nila kung may ginawa ka sa panahon ng iyong panunungkulan.
Nagsisihan kaya sila sa nangyari? Of course, nasa isip siguro ni Dingdong na malaki ang maitutulong ni Jessa sa political career niya kaya nagmadali silang pakasal, ‘yun pala walang magagawa si Jessa. Sa pagkatalo ni Dingdong paano na ang Quezon City na siyang nag-author na gawing City of Stars?
Kung si Rufa Mae Quinto kaya ang pinakasalan ni Dingdong may ibang epekto kaya?
In a way, vindicated si Rufa Mae sa nangyari. Common knowledge naman kung anong kinahinatnan ng relasyon nila.
Isang e-mail from abroad ang natanggap ko from Emy:
"Tagahanga n’yo ako dito sa States. Last week nabasa ko ‘yung tungkol kina Janice and John. Puwedeng pakisabi kay Janice kasi sabi niya last time sa Pipol, mababaw na dahilan ang pagiging mataba niya para iwan siya ni John. Janice, mali ka, mas maganda ka naman kesa kay Vanessa, pero mas bata at sexy si Vanessa. Ang gawin mo magpa-sexy ka rin at lalong mag-ayos, makikita mo mai-insecure si John at tiyak na mabubuo uli ang pamilya n’yo."
Well, parang too late na ang suggestion mo Emy dahil inamin na ni Janice na hindi na umuuwi si John sa bahay nila.
Pero malay natin baka dumating ang oras na ma-realize ni John ang kahalagahan sa kanya ng pamilya niya.
Just want to know what is your comment sa mga artistang natalo sa pulitika? Natutuwa ka ba or nalulungkot para sa kanila. From: Leah M.
Well, nakakalungkot din. Pero may mga artista ring hindi talaga dapat nanalo dahil wala silang gagawin para maging normal ang sistema ng pamumuhay ng ating mga kababayan.
‘Yung iba naman talaga ay walang sapat na kakayahan para magpatakbo ng isang bayan.
Nalulungkot ako for Edu Manzano na natalong mayor sa Makati. Hindi ko ini-expect na matatalo siya dahil kung makikita mo ang tao sa kanyang mga meeting, sasabihin mong panalo na siya.
Besides meron sana siyang clear vision for Makati.
Sad din ako for Phillip Salvador. Isa siya sa mga artistang kahit saan ka makita ay kilala ka at marami siyang sinabi tungkol sa kanyang pagpasok sa pulitika. Marami rin sana siyang naka-line-up na proyekto. Pero natalo siya kaya useless lahat ng mga pangarap niya sa Mandaluyong.
Bago pa man ang election ay kinatatakutan na siya ng mga kalaban nila sa pulitika. Malakas daw kasi talaga si Phillip. Pero anong nangyari?
Email: [email protected] / [email protected]
Narito ang complete schedule of activities:
Saturday, 26th of May
10:00 am - Tee-off for all golf enthusiasts Camp John Hay Golf Course Sunday, 27th of May
3:00 pm - Sunday Mass, Camp John Hay Clubhouse
5:00 pm - Welcome cocktails - just across the clubhouse. Time to mix and mingle with the other guests in a more casual setting
Monday, 28th of May
3:00 pm - Nuptial Mass and Weddding Ceremony
5:00 pm - Cocktails and Dinner reception Clubhouse, Camp John Hay
Anyway, kakanta rin si Regine Velasquez sa kasal nina Aga.
There was a time na na-link sina Aga at Regine - nang magsama sila sa mega-hit na Dahil May Isang Ikaw. In fact, inamin pa ni Aga na totoong nag-attempt siyang manligaw kay Regine noon pero hindi nga natuloy.
Alam naman ni Charlene ang lahat according to Aga at after the wedding nga ay ipalalabas ang follow-up movie nila ni Regine na Pangako: Ikaw Lang.
Feeling ko, isa lang ito sa mga paninira ng ilang taong hindi nabigyan ng invitation sa kanilang kasal sa Baguio this Monday.
Sana naman ay maintindihan ng iba na hindi lahat ay puwedeng ma-invite. Very tight din ang security dahil darating si President Gloria Macapagal Arroyo.
Anyway, tonight kami aalis papunta ng Baguio. Of course excited din kaming ma-witness ang kasal ng dalawa na parehong alaga ni Ms. Ethel Ramos.
Wala pa raw sinasabi ang GMA kung anong show ang ipapalit dito.
Aside from D Day! kasama ring mawawala ang Kasangga ni Rudy Fernandez at Idol Ko si Kap ni Bong Revilla ayon pa sa source ni Baby Talk. Kasama raw ito sa mga changes na mangyayari sa pagpasok ng bagong management ng GMA sa pamumuno ni Manny Pangilinan.
Mahihirapan na rin daw makabalik sa GMA si Phillip Salvador pagkatapos niya ring matalo sa katatapos na election.
Ayaw raw ma-identify ng GMA sa mga artistang hindi pinalad na manalo sa election.
Makakabalik pa naman daw si Bong sa Idol Ko si Kap at si Rudy Fernandez sa Kasangga, pero hindi magtatagal ay tatapusin na rin.
Well, very sad na marinig ang ganitong balita - natalo ka na nga, mawawalan ka pa ng TV show.
Pero in a way, okey na rin siguro ‘yun at least makakapag-concentrate sila sa paggawa ng pelikula para naman mabalik ang sigla ng pelikulang Pilipino. Baka sila lang ang hinihintay para kumita uli ang mga pelikulang Tagalog.
Buong akala raw ni Jessa ay mananalo si Dingdong kaya hindi na rin sila gaanong nangampanya. Pero sad to say hindi na ganoon kababaw ang mga botante - alam na nila kung may ginawa ka sa panahon ng iyong panunungkulan.
Nagsisihan kaya sila sa nangyari? Of course, nasa isip siguro ni Dingdong na malaki ang maitutulong ni Jessa sa political career niya kaya nagmadali silang pakasal, ‘yun pala walang magagawa si Jessa. Sa pagkatalo ni Dingdong paano na ang Quezon City na siyang nag-author na gawing City of Stars?
Kung si Rufa Mae Quinto kaya ang pinakasalan ni Dingdong may ibang epekto kaya?
In a way, vindicated si Rufa Mae sa nangyari. Common knowledge naman kung anong kinahinatnan ng relasyon nila.
"Tagahanga n’yo ako dito sa States. Last week nabasa ko ‘yung tungkol kina Janice and John. Puwedeng pakisabi kay Janice kasi sabi niya last time sa Pipol, mababaw na dahilan ang pagiging mataba niya para iwan siya ni John. Janice, mali ka, mas maganda ka naman kesa kay Vanessa, pero mas bata at sexy si Vanessa. Ang gawin mo magpa-sexy ka rin at lalong mag-ayos, makikita mo mai-insecure si John at tiyak na mabubuo uli ang pamilya n’yo."
Well, parang too late na ang suggestion mo Emy dahil inamin na ni Janice na hindi na umuuwi si John sa bahay nila.
Pero malay natin baka dumating ang oras na ma-realize ni John ang kahalagahan sa kanya ng pamilya niya.
Well, nakakalungkot din. Pero may mga artista ring hindi talaga dapat nanalo dahil wala silang gagawin para maging normal ang sistema ng pamumuhay ng ating mga kababayan.
‘Yung iba naman talaga ay walang sapat na kakayahan para magpatakbo ng isang bayan.
Nalulungkot ako for Edu Manzano na natalong mayor sa Makati. Hindi ko ini-expect na matatalo siya dahil kung makikita mo ang tao sa kanyang mga meeting, sasabihin mong panalo na siya.
Besides meron sana siyang clear vision for Makati.
Sad din ako for Phillip Salvador. Isa siya sa mga artistang kahit saan ka makita ay kilala ka at marami siyang sinabi tungkol sa kanyang pagpasok sa pulitika. Marami rin sana siyang naka-line-up na proyekto. Pero natalo siya kaya useless lahat ng mga pangarap niya sa Mandaluyong.
Bago pa man ang election ay kinatatakutan na siya ng mga kalaban nila sa pulitika. Malakas daw kasi talaga si Phillip. Pero anong nangyari?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended