"Wala akong napapansing bagay na magpapatunay na siya’y isang tibo. Hindi ko nga alam kung saan nagsimula ang tsismis na yan," aniya.
Ayon pa rin kay Mommy Rose, umalis na sa condo na ipinahiram niya si Piel at hindi niya alam kung saan ito nagpunta.
Nanghihinayang siya sa career ng alaga kung hindi na siya magbabalik.
Gusto pa naman ni Piel na bigyan siya ng project ni Mommy Rose kung saan makikilala siya bilang action queen.
"Pero patunayan niya muna na hindi siya isang tibo dahil kung aaminin niya ang tunay na pagkatao ay malamang na ito na ang maging katapusan ng kanyang career.
Sayang ang pagbi-build up namin sa kanya bilang sexy star," dagdag pa ng produ.
After Carta Alas ay may follow-up movie si Ace sa FLT titled Ako Ang Bahala, Ikaw Ang Kawawa. Pinagpipilian pa kung sino sa tatlo ang magiging leading lady niya-Geneva Cruz, Janna Victoria at Ara Mina. Mas may bentahe ang naunang dalawang aktres dahil sad to say ay hindi kinakagat si Ara sa action movie. Hataw ito sa mga sexy movies. Pinag-aaralan pa ng FLT kung sino ang itatambal kay Ace.
Ayon kay Ace ay feeling young siya habang ginagawa ang pelikula dahil kasama niya sina Antoinette Taus at Wowie de Guzman.
Araw-araw ay nagsasanay ito at doon muna tumutuloy sa Tandang Sora sa bahay ng ina para makapag-cocentrate sa kanyang rehearsal. Maingay kasi sa Malabon kung saan patuloy na ginagawa ang kanilang malapalasyong tahanan. Ito ang dream house ni Angelika kung saan kumuha pa sila ng sikat na arkitekto.
Sa kabilang banda ay hindi natuloy ang pelikulang gagawin niya sa MMG Films titled Okey Ka Lang. Mas type niyang mabigyan na mas mabigat at solong proyekto. Sayang nga at hindi natuloy ang proyektong inilapit ni Ed Palmos sa said company kung saan tatampukan sana ito ni Nora Aunor at Angelika na personal choice ni Direk. Umaasa ang aktres na sana’y mabigyan din siya ng pelikula ng GMA Films.