Bombang sumasabog kumbaga ang career ni Cesar mula nang mailuklok siya sa superstar status. He has done box-office blockbusters out of his teaming up with other big stars like Sharon Cuneta and Maricel Soriano. Pero, may successful solo hits din siya which strenghtened his hold at the box-office gaya ng Waway, Utol at iba pa.
Bawat Cesar Montano movie ay tunay namang inaabangan ng masa dahil sa kanyang distinct style of acting. Hindi lang kasi basta action star si Cesar. Ang kalidad ng performance niya ay laging may puso at nakakapag-identify talaga ang masa sa characters na ginagampanan niya sa big screen.
Acting-wise, isang malakas na bombang sumasabog ang lilikhain pagyanig ng kombinasyon nila ni Boyet, acting-wise. This time, maaksyon ang kanilang tapatan. Una silang nagkatagpo noon sa big screen sa bakuran din ng Viva Films, ang Hiram na Mukha, kung saan kasama nila si Nanette Medved. Isa itong drama at hindi pa establisado si Cesar bilang action superstar at that time.
Idugtong pa na ang reel and real life romance nila ng misis niyang si Sunshine Cruz ay explosive din ang dating sa Alas Dose. Ilang buwan nang buntis si Sunshine nang maipagpatuloy ang shooting ng nabanggit na pelikula.
Of course, this is a bomb movie (which surely wont be a box-office bomb) kaya asahan ang bonggang special effects na magbibigay pa ng naiibang dimension sa husay sa action ni Cesar. Ang subok nang kakayahan sa pagdidirek ni Augusto Salvador sa ganitong klaseng pelikula ay tiyak na bombang dapat ding abangan.
Explosive ang dating ni Cesar sa Alas Dose, fresh from the success of Hostage, balik-Viva ang action star na punumpuno ng karisma sa kumpanyang totoong nagsugal sa kanyang potensyal noon bilang top-box-office crowd drawer.
Not to mention na may bomba rin ang partisipasyon ng sexy star dito na si Patricia Javier pati na ang bihirang paglabas ng mahusay na director na si Behn Cervantes bilang artista ay kaabang-abang din.
Ang hard action dito ay maikukumpara sa Hollywoodish effects sa Face-Off, and in terms of fantastic combinations, Cesar and Christopher have outdone the John Travolta-Nicolas Cage tandem sa nabanggit na foreign hit, ayon na rin sa mga nakapanood ng mga makapigil-hiningang eksena nila sa Alas Dose.
Kaya ano pa ang dapat asahan? Isa naman itong maaksyong pagbibida ni Cesar Montano, the most explosive action superstar of them all!