^

PSN Showbiz

Carol, babalik kay Paolo?

-
Hindi lang mahusay na singer ang ipinagmamalaki ng Talent Center na si Carol Banawa. Marunong din siyang umarte.

Katunayan ay muli siyang mapapanood sa lingguhang panghapong palabas ng Channel 2 na Tabing Ilog. Ito’y kinabibilangan ng mga sikat na teen stars ng Dos.

Katulad nina Patrick Garcia, Paolo Contis, Baron Geisler, John Lloyd Cruz, Jodie Sta. Maria, Kaye Abad at marami pang iba. Dati na siyang kasali sa nabanggit na palabas, bilang ka-triangle ni Paolo.

Pero dahil sa sobrang kaabalahan sa kanyang mga singing engagement ay nawalan siya ng oras para dito. Pero ngayong maluwag na ang kanyang schedule ay muli siyang ibabalik sa Tabing Ilog. Tiyak na bibigyan naman ng ibang kulay ang muling pagkikita nila ng kanyang ex- boyfriend na si Paolo Contis. Magkaroon nga kaya ng balikan blues sa kanila?

Ang Tabing Ilog ay mapapanood tuwing Linggo, 2:30-4:00 ng hapon sa ABS-CBN. (Ulat ni Lanie M. Sapitanan)

vuukle comment

BARON GEISLER

CAROL BANAWA

JODIE STA

JOHN LLOYD CRUZ

KAYE ABAD

LANIE M

PAOLO CONTIS

PATRICK GARCIA

TABING ILOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with