Isang malaking problema ay kung paano ita-transport ’yung wedding cake na mismong ang mommy ni Charlene, ang dating beauty queen at expert cake maker na si Elvie Gonzales, ang magbi-bake. Magiging kasing-tangkad ito ng ikakasal. Ito raw kasi ang hiling ni Charlene sa kanyang Mommy, na maging pinakamalaki sa cake na nagawa na nito ang gawing cake for her wedding to Aga.
Galing pa sa abroad ang mga gagamitin sa cake. Ang post nito, pati na ang iba pang paraphernalia. Bukod sa icing, balak ni Elvie na gamitan ito ng imported beads, na siyang magbibigay ng kakaibang ningning sa cake. Kung paano ito gagawin ni Elvie ay isang top secret na ayaw niyang i-reveal muna.
"Where Charlene is concerned, I’ll do anything to make her happy. Hindi lang dahil unica hija ko siya (dalawa lang ang anak ni Elvie; si Charlene at Richard Bonnin), kung hindi napakabait na bata niya. Kahit kailan ay hindi niya ako binigyan ng problema.
"I feel so happy for her dahil ang mapapangasawa niya ay isang lalaking alam kong mahal na mahal siya. I’ve known Aga from way back, kaya, sa mula’t mula pa, he has been my choice for my daughter," patuloy pa ni Elvie.
Nagdadatingan na rin ang mga hinihintay nilang bisita from abroad. Dumating na ang kapatid ni Charlene na si Richard. Ganoon din ang kanyang best friend na si Rheza Roxas, na siyang magiging maid of honor niya. By the time this issue comes out, posibleng dumating na ang kanyang mga auntie, uncle at pinsan on her mother’s side na pawang naka-base sa abroad.
Hanggang ngayon, palaisipan pa talaga ang tabas ng isusuot na damit pang-kasal ni Charlene. Ayon kasi sa tumatahi nitong si Joe Salazar, kilalang couturier, ’yung mga design na ipina-publish niya na tabas ng wedding gown ni Charlene ay posibleng baguhin pa niya. Pero ang magiging kulay nito ay baby pink na sa malayo ay mapagkakamalan mong kulay puti.
Iba actually ang concept ni Joe for Charlene’s wedding gown. Dahil kasi sa image na ipinu-project ni Charlene bilang dance empress (she is host of her own TV program, Keep on Dancing on ABS-CBN), akala niya ang matitipuhan nitong isusuot na damit pangkasal ay sexy ang dating. He was surprised when she admonished him to make the wedding dress as simple as possible pero regal ang dating.
Si Aga, for his part, has long purchased his wedding attire when he went to Milan in Italy last December. Dalawa actually ang pinili niyang damit, one of Armani and another one of another brand. He is keeping it secret, kahit kay Charlene, kung alin sa dalawa ang isusuot niya.
"Ang problema ko lang," ani Aga, "ay mag-trim pa ng kaunti so I’d look good in any of the two attires. Feeling ko kasi, parang nagdagdag ako ng timbang. This early kasi, sinasampulan na ako ng aking magiging misis kung gaano siya kahusay na cook.
"Sapul na sapol ni misis-to-be ko ang aking weakness. Isang babaing hindi lang pantahanan, kundi pang-kusina pa," tukoy pa ni Aga.
Charlene, ang suwerte mo. Obvious na you know that the right way to a man’s heart is through his stomach.  EAR