Pyar, may mga kumakalat na nude photos

May launching movie si Pyar Mirasol titled Paninda kaya lang malamang na maapektuhan ito dahil sa paghihigpit ng MTRCB. Ayon sa aktres, hindi naman ito pornography at kahit may mga sexy scenes ay hindi naman ito kasing tindi ng Live Show. "May rape scene at shower scene sa Paninda pero kailangan naman ito sa istorya," aniya.

Ipinaliwanag pa rin ng seksing aktres ang balitang may lumabas siyang nude photos. Ayon kay Pyar ay never pa siyang nagpa-pictorial nang hubad at nakaharap pa.

"May mga nude poses ako pero hindi frontal, lahat nakatalikod. Sa palagay ko ay niretoke lamang ang mga photos. Baka inilagay ang mukha ko sa katawan ng iba. Wala talaga akong matandaang frontal nudity, sa pelikula man o sa pictorial. Gawa- gawa lamang ito at gusto akong ipang-hanapbuhay. Pero matakot naman sila. Masama ang ginagawa nila at pagbabayaran nila ito ayon sa law of karma. Walang masamang gawain na hindi pinagbabayaran, hindi man ngayon, bukas, next month, next year, next 10 years. Kahit kailan pero, babayaran at babayaran nila ang anumang pagkakautang nila. Lumusot man sila sa tao, hindi sa Panginoong Diyos," aniya pa. – EAB

Show comments