Christopher De Leon, kontrabida ni Cesar Montano sa 'Alas Dose'
May 15, 2001 | 12:00am
Ipinagkakapuring ihandog ng Viva Films ang isa nilang pelikula na maituturing na isang malaking casting coup sapagkat tampok ang dalawang multi-awarded actors sa role ng hero at villain.
Bumabalik si Cesar Montano sa big screen nilang Titus Varona, isang police squad bomb expert. Kalaban niya si Remo Doce na ginagampanan naman ni Christopher de Leon, isa namang ideological bomb expert. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginagampanan nila ang role ng hunter and the hunted.
Huling napanood si Cesar sa Muro Ami na nakakuha ng Best Picture Award sa Benodet, France.
Also playing a pivotal role in the movie is stage and film actor/director Behn Cervantes bilang lider na ang utos ay sinusunod ni De Leon.
Kasama rin si Sunshine Cruz bilang isang journalist na ang ama ay ginagampanan ni Bon Vivar bilang isang prison officer na involved sa mga kaso ng kidnapping. Police woman naman ang sex symbol na si Patricia Javier na tumulong kay Montano para mahuli ang bomber.
Ang Alas Dose ay mismong si Montano ang nag-conceptualize.
Tampok din dito sina Rommel Montano, Dick Israel at Rico J. Puno. Producer si Norma Japitana at direksyon naman ni Augusto Salvador.
Actually, mahigit sa kalahati ang naidirect ni Erik Matti pero, sa di malamang kadahilanan ay si Augusto Salvador na ang nagpatuloy nito. Hindi naman ito naging dahilan para magbago ang resulta ng pelikula. Nagawa ni direk Ogie (Salvador) na maiblend yung mga eksena niya sa mga natapos nang eksena ni Erik. Maganda pa rin ito at puno ng interesting scenes, maaksyon, suspenseful, gaya ng inaasahan ni Cesar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended