^

PSN Showbiz

Character actress, naghubad sa washroom

-
Dumalo sa isang awards night ang sikat at may edad nang character actress. Tumuloy muna siya sa washroom ng five star hotel para magbihis. Papalitan niya ang kanyang evening dress. Nang hubarin ang damit ay naka-panty at bra na lang ito habang nakatingin ang lady attendant. Ikinalat ng aktres ang kanyang mga make-up sa tabi ng lababo at palakad-lakad habang naglalagay ng make-up sa harap ng salamin at kinukuha ang mga alahas sa bag.

Mabuti na lang at wala pang gaanong tao sa loob ng washroom kaya hindi nahihiya ang aktres kahit nakasuot lang ng bra at panty. Mag-isa lang kasi siya at walang alalay kaya nagpatulong sa lady attendant nang isuot na ang evening dress.
Zoren, Nag-Aalaga Sa Kambal Na Anak
Ayon sa isang source, hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Zoren Legaspi at ayaw mag-painterbyu tungkol sa kanilang dalawa ni Carmina Villaroel.

Masayang-masaya raw ngayon ang aktor dahil ito ngayon ang nag-aalaga sa kambal na anak lalo na kapag abala sa showbiz commitment si Mina.

Sinabi pa rin daw ng aktor na sakaling may movie offer ay mas gusto niyang lumabas sa drama kaysa sa action movie.
Onin, Takot Alagaan Ang Anak
Kung enjoy si Zoren sa pag-aalaga ng anak ay takot namang hawakan ni Niño Muhlach ang magiging anak niya. "Parang ang lambot-lambot kasi ng baby at hindi ako sanay magbuhat. Baka mahulog ko lang. Siguro kapag four months na siya, saka ko na lang siya kakargahin," aniya.

Naging masaya ang baby shower ni Onin at Edith noong Linggo kung saan naroon ang kani-kanilang pamilya at mga kaibigan. Manganganak ng baby boy ngayong Mayo 26 si Edith kaya excited na si Onin.

Maswerte ang baby dahil sunud-sunod ang pelikulang ginagawa ng aktor. Nagsusyuting siya ng Okey Ka Lang under MMG Films.
Balik-Aksyon Sina Ronald At John
Maswerte ang pelikula kapag magkasama sina Ronald Gan at John Regala dahil kumikita ito gaya ng Pards 2. Maganda ang working relationship ng dalawa kaya napapaganda nila ang movie. Matagal na ring magkaibigan ang dalawa kaya komportable sila sa isa’t-isa lalo na kapag may maaksyong eksena.

Ngayon, muling magsasama ang dalawa sa Pilak. Salapi ang pinakaugat kung bakit napapasama ang isang tao. Ito rin ang dahilan para ipagkanulo mo ang isang kaibigan na naging mabuti sa iyo pero sa taginting ng salapi ay ipagpapalit ang kahalagahan ng pakikisama sa kapwa.

Ito ang pinakasentro ng kasaysayan ng Pilak na ibinatay sa pagkakanulo ni Hudas kay Kristo dahil sa tatlumpung piraso ng pilak. Bakit humantong sa pag-aaway ang dating tamis ng pagkakaibigan nina Ronald at John? Ito ang sasagutin sa pelikulang Pilak kung saan kasama pa rin ang flawless beauty na si Via Veloso.

Ano ang masasabi ng seksing aktres sa kanyang leading man? "Mabait si Ronald at tahimik. Higit sa lahat napaka-gentleman niya kaya inalalayan niya ako sa aming lovescene," sabi niya.

Kinunan ang Pilak sa magagandang lugar sa Pilipinas gayundin sa Holyland kung saan kasama rin ang mga international stars na sina Dianne Zenn, Raul Casini at Kevin Maxwell sa direksyon ni Roland Ledesma. Palabas na sa Mayo 18 mula sa MMG Films International.
Jaclyn, Dalawa Na Ang Anak
Malapit nang manganak si Jaclyn Jose courtesy ng isang non-showbiz boyfriend. Ito ang pangalawang anak niya. Ang panganay niyang anak ay si Andrea Nicole o Andy na ang ama ay si Mark Gil.

Ayon kay Jaclyn ay nagseselos pa si Andy sa pagkakaroon ng kapatid. Hindi rin siya pabor sa pagkakaroon ng ibang lalaki sa kanilang bahay. Kaya kinausap daw ito ni Jaclyn at ipinaliwanag ang lahat dahil nasanay ang bata na sila lang ang magkasamang mag-ina.

Maganda naman ang pagpapalaking ginawa ng aktres sa kanyang anak kung saan napaka-independent nito.
Carol, In Love Na
Malayo na ang narating ni Carol Banawa sa larangan ng musika. Pumangatlo siya sa Metropop Song Festival noong 1998 at nakakuha ng silver award sa Asian Music Festival sa China noong 1999 kung saan inawit niya ang "Only World". Bahagi na ng kanyang buhay ang musika at may nililikha siyang awitin para sa kanyang yumaong kapatid na pinamagatang "Anghel". Mayroon na bang inspirasyon ang magaling na singer?

Ayon kay Carol ay may nakilala siya sa pamamagitan ng internet. Nagkita na sila sa webcam. Nakatira ito sa Chicago at doon din nagtatrabaho. Three months pa lang silang nagkakakilala at balak nitong bisitahin siya sa buwang ito.

vuukle comment

ANAK

CENTER

LANG

PILAK

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with