May mga nagsasabi kasing kasal na lang ang kulang sa relasyon nila. In fact, kahit sa mga out-of-town shows ay package deal ang set-up nila lalo na sa mga campaign sorties bago nag-election kahapon.
Lahat din daw ng lakad ni Glydel ay parating kasama si Tonton and vice versa. Wala rin namang balita na may problema sila sa kani-kanilang pamilya kaya ano pa raw ang hinihintay nila.
Anyway, hold muna ang mga project ni Glydel. Lahat kasi ng bold movies ay hindi muna itutuloy dahil sa issue sa movie and MTRCB. Marami sanang project si Glydel sa Crown Seven Ventures pero hindi rin natuloy dahil sa kaso ni Erap dahil alam naman ng lahat na kapatid ng dating Pangulo ang nago-operate ng Crown Seven.
Ganoon din si Tonton. Sa bold movies din kasi si Tonton lumalabas.
Anyway, kung malimit magkasama sa mga lakaran ang dalawa sa mga non-showbiz functions, bihira naman silang makitang magkasama sa TV. Bukas, Martes magkasama ang mag-sweetheart sa episode ng Kasanggaâ€â€"Patay, Nabuhay."
Ang nasabing episode ay base sa tunay na pangyayari.
Ang Kasangga ay mapapanood every Tuesday, 9:00-10:30 p.m. sa GMA 7.