"Humanap ng mas maraming raket. Mag-aral kumanta para pag may mga provincial shows, eh, join pa rin ang beauty ko. Hindi pa naman end of the world, di ba?" sabi agad niya. "Tuloy-tuloy pa rin ang paggawa ko ng pelikula pag may mga nag-offer sa akin. Pero hindi na siguro ‘yung mga tulad ng dati.
"Bago naman nangyari ‘yang higpitan na ‘yan sa MTRCB, plano ko na rin talagang umalis sa pagbo-bold. Sabi ko no’n, ‘yung Live Show na ang huling bold film na gagawin ko tapos magsi-shift na ako ng image kahit sa comedy. Kaya ‘yung nangyaring pagba-ban ng Live Show ay parang blessing in disguise na rin. "Hindi ko naman ini-expect na sa ganito hahantong ang lahat. Na maiiskandalo kami ng sobra-sobra nang dahil lang sa isang pelikula. Ang plano ko lang no’n ay mag-quit, then sabi ko, sa TV na lang ako magko-concentrate."
Mas madalas nakikita sa mga television shows ngayon si Klaudia. Regular siya sa Kiss Muna ng Channel 7 at nagkaro’n na rin ng katuparan ang matagal na niyang pangarap na mag-guest sa Maalaala Mo Kaya.
"Yung Maalaala, naipalabas na ‘yon. Pero ‘yon talaga ang dream ko noon pa. Ang pakiramdam ko kasi, pag nag-guest ka sa show na ‘yon, sikat ka na talaga at marunong ka nang umarte. Nu’ng tinawagan nila ako, na-excite talaga ako," kuwento ulit niya.
Magaling ang timing ni Klaudia sa pagpapatawa. Una siyang napansin ng mga co-stars niya at staff sa programang Kiss Muna. "Hindi ko nga rin alam na kaya ko palang magpatawa. Pero in real life, hindi rin naman ako ganu’n kakikay. Ano lang ako... ‘yung normal lang. Pag nasa harap na ako ng kamera, do’n na lang lumalabas ‘yung pagiging kikay ko," sabi pa niya.
"Kasi dati, ang alam ko lang talaga, eh, maghubad ng damit. Magpakita ng boobs at kung anu-ano pa. Di ko rin alam na kakayanin ko palang mag-comedy, na puwede rin pala akong magpatawa. Buti nga nagugustuhan nila, eh. At least, hindi raw pilit," sabi pa niya.
Ayaw nang masyadong pag-usapan ni KK ang kontrobersyang dinulot ng Live Show sa buhay niya. "Sabi ko nga, may disadvantage at advantage din naman ‘yung nangyari. So far, okey naman ‘yung kinalabasan. Medyo okey din ang raket kaya hindi naman ako gaanong namomroblema," sabi pa niya. (Ulat ni Leo M. Bukas)