Ang bagong Bb. Pilipinas-Universe 2001

Si Zorayda Ruth Andam ang nakoronahang Binibining Pilipinas-Universe ngayong taong 2001. Bukas ng gabi siya ang kakatawan sa Pilipinas para sa Miss Universe Crown sa Puerto Rico. Ayon sa kanya, personal at kakaiba ang motibong nagtulak upang sumali sa nasabing pageant.

"I’m foremost a Christian who happens to be a beauty queen. So, I hope to glorify God in that pageant and set a concrete example of being a woman of God," ito ang inamin at ibinahagi niya.

Posible kayang mangyari ang ganito kung saan sinasabi ng mga ilang kritiko na diumano ay nagagamit na ang mga ganitong pageant tungo sa pang-aabuso sa ating mga kababaihan?

"When I joined the pageant, I took it as a challenge for me to go beyond the stereotype," ayon kay Zorayda Ruth na dating miyembro ng Campus Crusade for Christ.

Sa kasalukuyan siya ay nag-aaral ng law upang makamit ang kanyang pangarap na makatulong sa mga nangangailangan. "I believe the pageant can be an instrument to empower women as people of principle, character and substance," may katiyakan niyang pahayag.

Sa katunayan, ang beauty titlist na si Zorayda ay anim na taong gulang pa lamang noon nang makilala at tanggapin niya si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Sa ngayon ay magbabahagi siya ng kanyang mga karanasan sa pagkakaroon niya ng personal na relasyon sa Diyos sa The Club, isang Christian variety program na mapapanood tuwing Linggo sa GMA-7, 7:30 ng umaga, at inirireplay ito Martes sa ZOE 11, 11:00 ng gabi.

Kaya naman nang magdesisyon siyang sumali sa Binibining Pilipinas pageant, panalangin ang hiningi ni Zorayda mula sa kanyang mga kaibigan upang matiyak na siya ay mananatili sa sentro ng kalooban ng Diyos. "Call it weird, but I really had a fear of fame. One of my struggles was assuming the responsibility of becoming a public figure because I’m very private person," pagtatapat niya.

Ang prinsipyong gumagabay sa buhay ni Zorayda ay matatagpuan sa Proverbs 3:5 kung saang sinasabi na, "Trust in the Lord with all our heart and lean not on your own understanding. Commit your ways to Him and He will make your paths straight."

"That’s been my life verse since I was a child and it really spoke to me. I don’t see the big picture yet... why I have to join the pageant. But I know that the Lord is leading me there and He has something in store for me. It’s all by His grace. I just have to trust Him one step at a time, with every detail of my life," sabi pa ni Zorayda.

Show comments